Pagod na sinarado niya muli ang pintuan ng makapasok siya ng bahay niya. Ginabi na siya dahil kinailangan niyang gumawa ng aksyon tungkol sa pagbabanta sa kanyang buhay. At ayon sa kanyang commander in chief kailangan muna niyang pasamantala na magleave sa trabaho habang ginagawan ng aksyon ang kaso niya. Marahas siya napabuga ng hangin. Kailangan na niya ng doble pag-iingat ngayon dahil sigurado siya na hindi siya titigilan ng kalaban nila hanggat hindi nakakaganti sa kanya ang puganteng iyun. "Welcome home!" Napapiksi siya sa sobrang kabiglaan sa pagsulpot ng kasintahan. "Amore!"mulagat niya. Niyakap siya nito at agad na hinapit niya ito. Miss na miss niya ito sa ilang araw ng pagiging busy nilang pareho. "Kamusta sa trabaho?" anito. "Ayos lang naman.." aniya. Tumango ito. "Kum

