"Anong lugar ito?" agad na pagtatanong ni Alvin pagkaraan nila marating ang sagradong-gubat. "Hindi ko akalain na may ganito palang kaganda lugar dito..worth it ang mahabang nilakad natin," anito. Mahabang lakarin ang ginawa nila bago nila narating ang sagradong-gubat. Mas ginusto niya na lakarin na lang nila papunta rito kaysa sumakay pa na chopper na pag-aaari ng mag-inang Erin at Erol. Pinagmasdan niya ito bakas sa gwapong mukha nito ang paghanga sa buong paligid. "Pag-aaari ito ng magkakapatid na Stonex.." aniya. Bumaling ito sa kanya. "I think ,isa sa Stonex ay yung biyenan ni Nhovie,tama? Saka talaga bang Mama iyun ni Gian? Sobrang bata kasi niyang tingnan.." mangha nitong turan. Napangisi siya. Kung malalaman lang nito ang totoo baka nga hindi na ito makapagsalita. Yeah,suren

