Walang takot na inakyat niya ang matarik na bato paakyat sa ituktok ng talon nangangalahati na niya iyun. Sobrang ganda ng lugar na ito na tinatawag na Sagradong-gubat. Talaga naman na sagrado ang lugar na ito dahil sa sobrang ganda ng paligid. "Anong ginagawa mo dyan?!" si Amore. Tumunghay siya mula sa ibaba nakatingala sa kanya ang dalaga. "Parang ang ganda kasi sa ituktok ng talon!" tugon niya rito. Hindi ito tumugon kaya nagpatuloy siya sa pag-akyat. Halos maaabot na niya ang ituktok ng dumulas bigla ang palad niya sa isang bato. Shit! Maagap naman siya nakakapit sa isang baging at nakahinga naman siya ng maluwag. Damn,muntik na yun! Pero akala niya lang yun unti-unti nahatak ang baging at nakarinig siya na parang naputol. At natanto niyang nahuhulog na siya mula sa itaas. O

