IKa-Dalawamput tatlong kabanata

1389 Words

Hindi na nag-aksaya ng oras si Prinsipe Xenos. Kaagad siyang nagpunta sa kwadra ng mga kabayo upang umalis at puntahan si Asya sa Guenera. Alam niyang may kinakaharap na laban ang Astral ngunit pipilitin niyang makabalik kaagad. Dahil mahalaga sa kanya ang makita muli ang prinsesa. “Hiyahhh!” “Mahal na prinsipe! Saan po kayo pupunta?!” tawag sa kanya ng kawal. Ngunit hindi niya ito pinakingan sa halip ay mas pinabilis pa niya ang takbo patungo sa likuran na tarangkahan ng palasyo upang umiwas sa mga kawal na nagbabantay sa labas ng Astral. Hindi niya akalain na magagawa siyang kalimutan ni Asya bilang asawa. Kaya pala simula nang makilala niya ang prinsesa ng Guenera ay hindi na ito nawala sa isip niya. Ang buong akala niya ay nililinlang lamang siya ng kanyang isip at puso dahil sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD