CHAPTER 4

2471 Words
CHAPTER 4 Nataxia Serofinna’s POV “Baby, nandito na ang sundo mo!” Sigaw ni Mamita sabay sunod sunod na kumatok dito sa pintuan kaya inayos ko na ang sarili ko dahil naka mint green clored gown ako ngayon pero plain lang. “Hurry up baby!” “Coming mamita!” Tugon ko sabay bukas ng pintuan pero naka mask parin ako ngayon. By the way, may kabaitan naman pala ang Axel na ‘yun dahil hinatid na ako sa highway kahapon at pinasakay sa kotse hanggang makauwi dito sa bahay pero ang tigas parin ng ulo niya at ayaw niya akong tigilan. Bahala siya kung ‘yun ang gusto niya, basta ‘wag niya akong pagbuhatan ng kamay katulad ng mga taong nakaranas na. Ngayon naman, dapat akong pumunta sa palasyo dahil naghihintay na sina Mom at Dad sa pagbabalik ko kaya maaga pa akong gumising at nagayos ng sarili dahil ganito naman talaga dapat ang prinsesa. Pero pag si Maria Hades ang ginagamit ko na pagkatao, hindi na masyadong pormal ang galaw ko. Pati boses, at pananalita. “I’m here.” Sabi ko ‘nung binuksan ko na ang pinto para makababa na ng hagdan. “Does Mister Hero around?” Tanong ko sabay naglakad na palabas ng pintuan dahil may pumasok na personal bodyguard na taga silbi sa palasyo pero naka ordinaryong damit lang sila ngayon para hindi kami mahalata. “Yes your highness.” Tugon ‘nung isa habang nakayuko kaya lumabas na ako sa bahay at naglakad ng mabilis sa kotse na hindi pagmamay-ari ng palasyo para hindi kami mahalata. “Mamita wait for my return!” Sigaw ko sabay pasok sa pintuan ng kotse at pumasok na ‘rin si Mister Gerome na pumuwesto dito sa likuran ko. “How’s your adventure, your highness? Have you found your prince?” Bungad sa ‘kin ni Mister Hero na personal butler ko at siya ang nag d-drive ngayon. If I’m not mistaken, he served me in 18 years I guess. Dahil ‘nung isinilang na ako ay may nakatala nang taga silbi sa ‘kin sa lahat ng oras kaya para na rin siyang second father ko dahil maganda ang pakikitungo niya sa ‘kin sa loob ng palasyo. “Yes but I would find a perfect time for my confession.” Sagot ko dahil isang malaking palpak ang nagawa ko kahapon. “We can go now.” Sabi ko kaya nagsimula na kaming bumiyahe paalis sa lugar na ‘to na pinasadya talaga ni Dad na walang ibang taong nakatira dito kundi, kami lang ni Mamita. Hindi naman siya gaanong malayo sa mga tao pero parang ginawang private lot ‘to ni Dad, gusto ko sanang sa apartment nalang kami manunuluyan o sa condo pero hindi ako pinahintulutan. “You’re so responsible kind of Princess your highness, you’re choosing a right prince not only for you but in our kingdom too.” Saad niya kaya napangiti nalang ako dahil dapat talagang deserving ang mapapangasawa ko dahil nakasalalay dito ang mamamayan pag naibigay na sa ‘kin nag korona. “You must invite him to your royal ball, your highness.” “Don’t worry, I know he would be able  to attend in the palace.” Doon din siya nagaaral sa Academy kaya alam kong mababahagian din siya ng invitation pero, sana makausap ko na siya. “Based on my observation, the people in our kingdom were been curious about you. They were excited for your face reveal.” Napabuntong hininga naman ako dahil ang dami ko pa palang gagawin ngayon at malamang, abalang abala na ang mga tao sa palasyo dahil isang araw nalang ay kaarawan ko na. “I am little bit nervous but I will assure that… no one could recognize me.” “Be careful to your journey, your highness and you must marry a deserving prince.” _ MAKALIPAS ang ilang minutong biyahe, nakarating na kami sa palasyo at nakita kong pinagbuksan kami ng gate ng mga bantay doon. Habang papasok na ang kotse, napansin ko kaagad ang mga cherry blossom na namumukadkad at sila ang nagsisilbing gabay para makarating ka ng palasyo dahil nakahilera sila sa magkabilang gilid ng daan. Nakita ko naman ang mga hardinero namin na abala sa pagk-korte ng mga halaman para maganda sa paningin at napansin ko din ang taga dilig ng mga bulaklak na nakapaligid sa palasyo dahil halos saan ka tumingin ay may makikita kang bulaklak. Tinanggal ko naman ang mask ko ‘nung marating na namin ang malawak garahe ng palasyo dito banda sa gilid at naunang lumabas si Mister Gerome para mapagbuksan na ako ng pinto ng kotse. Nakita kong i-offer niya ang kamay niya para makalabas ako dito sa loob kaya tinanggap ko ‘yun. “Enjoy your visit here, your highness.” Sabi niya sa ‘kin ‘nung tuluyan na akong makalabas kaya tumango nalang ako sa sinabi niya. “How’s my room, Mister Hero? Have you changed the motif?” Tanong ko habang nakalabas na siya sa loob ng sasakyan kaya naglakad siya sa kinaroroonan ko. “Yes you’re highness, it was aesthetically prepared in mint green motif.” Mabilis na sagot niya kaya nagumpisa na kaming umakyat ng hagdan para marating anmin ang entrance ng palasyo. By the way, mas gusto ko kasing ga’nun ang kulay ng kwarto ko dahil nakakagaan ng pakiramdam kaysa sa dating motif ng kwarto ko na halos kulay puti ang lahat. “Welcome back, your highness.” “Enjoy your visit your highness.” Napatingin naman ako sa mga guards na bumabati sa ‘kin na nakatayo ng tuwid sa bawat baitang ng hagdan at kapansin pansin na nagbago ang attire nila na dark green na yata pero ‘nung huling dalaw ko dito noong nakaraang mga linggo, maroon pa ‘yun. “I will accompany you to your room, your highness.” Rinig kong saad ni Mister Hero. “Your parents was choosing your ball gown earlier.” Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na ako sa pagakyat sa hagdan. Ilang sandali pa, nakarating na kami sa ground floor ng palasyo at bumungad sa ‘kin ang napakaraming hugis bilog na mesa at nakapalibot 'yun sa paligid pero may espasyo para gitna para sa royal dance. Kapansin pansin ang naggagandahang mint green colored curtains sa nagtataasang pader. “Any suggestion, your highness?” Tanong niya habang patuloy akong nagmamasid sa paligid. Ang ground floor ng palasyo namin ay may naglalakihang hagdan sa magkabilang gilid at sa gitna naman nakapwesto ang dalawang upuan nina Mom at dad na ‘dun sila karaniwang umuupo pag may mga okasyon o may mga mahahalagang usapin. “Could you add a chandelier in that part?” Sabi ko sabay turo sa itaas dahil dalawa lang ang nakita ko sa itaas kaya medyo hindi matimbang tignan. “Yes your highness.” Sangayon niya kaya nagpatuloy kami sa paglalakad para marating ko na ang silid ko. NANG makarating na ako sa kwarto, hindi ko na nakita si Mom at Dad pero ang sabi ng isang maid namin ay nandoon kabilang himpilan na medyo may kalayuan dito. May paguusapan daw sila kasama ang advisors tungkol sa kaawaran ko. “How many visitors that we have?” Tanong ko sabay bukas ng kurtina ng terrace dito sa kwarto ko. “According to them, there are 500 plus visitors including the emperor of this nation and the prince of different countries that’s why this is a big celebration, your highness. Even the emperor were curious about you.”  Hindi ko sila masisisi dahil kahit nakikipag-usap ako sa prinsipe, may nakalagay sa pagibabang mukha ko gamit ang magagarang rubies na naka nagsisilbing takip dahil nasa royal rules na dapat ko lang ipakita ang mukha ko pag 19 na ’ko. Hindi rin maiiwasan na may mga rumors tungkol sa ‘kin dahil may mga nakapasok dito sa palasyo para kuhanan ang mukha ko kaya nakapag desisyon si Dad na mas paigtingin pa ang securities para i-scan kung may nakatagong camera sa  katawan nila. At lahat ng taga silbi dito sa loob ay dapat walang asawa o karelasyon para maiwasan ang paglabas sa palasyo dahil kung gusto mong manilbihan dito, dapat ilaan ang mo ang oras at buhay para manilbihan sa royal family. Kaya’t Malaya silang makita ako dahil hindi naman sila lumalabas. Pero habang nagmamasid ako dito sa terrace ko, napakunot ang noo kong may natanaw akong mga kawal na papunta sa likod ng palasyo? “Maybe they caught someone again.” Napahawak nalang ako sa bibig ko dahil may pamilyar na lalakeng walang suot na pangitaas na halos mapuno ng lapnos ang katawan. Kapit kapit siya ng dalawang kawal habang natanaw ko si Hereral Athlas sa unahan?! “Hero, tell them to stop! NOW!!” WHAT THE HELL IS HE DOING HERE?! THAT WAS AXEL DE ANGELO! “But your highness, I think that was a criminal—“ “Give me my gear!” Sigaw ko sabay naglakad ng mabilis para makalabas ako dito sa loob ng silid ko at nakita kong may iniabot sa ‘ki si Mister Hero na panakip ko sa mukha ko na inilalagay ‘yun sa ibabang parte na kanariwan kong ginagamit pag may hindi pamilyar na bisita kaya isinuot ko kaagad ‘yun habang napapatakbo na ako dahil pag hindi ko sila naabutan, baka kung ano ang mangyayari sa kaniya! “Your highness, be careful! You might fell!” Rinig kong sigaw ni Mister Hero pero hindi ko siya pinansin at nagmadali parin akong bumaba ng hagdan nadahil nasa tower ang kwarto. “Your highness! Slow down!” Hindi parin ako nakinig sa kaniya dahil baka hindi ko na maabutan ang pagtugis kay Axel pero bakit nandito siya?! Sa pamamalagi dito sa palasyo sa loob ng mahabang panahon, may nakikita kong kinakaladkad ng mga kawal para bitayin o hatulan ng kamatayan. NANG makarating na ako sa ground floor, tumakbo na ako papalabas para marating ko ang likod ng palasyo dahil may underground doon at ang lugar na ‘yun ay para sa mga kriminal para parusahan. “Where are you going your highness?” Rinig kong tanong ng isang bantay ‘nung hinarangan nila ako dahil may isa pang gate dito para sa siguridad. “Open the gate.” Saad ko sa maawtoridad na boses habang hinahabol ko ang sarili kong hininga. “I said, open the gate!” Dagdag ko dahil parang hindi nila ako papapasukin at nagkatingnan pa talaga silang dalawa kung papahintulutan ako. “Yes, your highness.” Tugon ng isa niyang kasama kaya ‘nung pinagbuksan na nila ako ay agad akong tumakbo dahi sa lawak nitong palasyo, hindi ko kaagad mararating ang destinasyon ko. “Where’s General Athlas?!” Sigaw ko ‘nung may natanaw akong dalawang kawal na paalis na dito at nakita kong sinalubong nila ako ng takbo sabay yuko sa harapan ko. “Nandoon siya sa dark station, kamahalan.” Hindi na ako sumagot at minabilis kong tinungo ang lugar na ‘yun. “Your highness, you don’t have to do this.” Rinig kong saad ni Hero kaya alam akong sinundan niya ako. “Stay here, Hero.” HABOL hininga kong binuksan ang isang bakal na pintuan dito sa likuran ng palasyo sabay baba ng hagdan pero sinalubong na agad ako ng dilim at may nakita akong isang lamparang umiilaw habang pababa ng hagdan kaya kinuha ko agad ‘yun para magsisilbing ilaw ko. “General Athlas, do you hear me! You need to stop right now!” Sigaw ko habang bumababa ng hagdan at ilang sandali pa, bumungad sa ‘kin na nilalatigo ng dalawang kawal ang katawan ni Axel habang nakagapos ang magkabilang kamay ng kadenang nakadikit sa pader. Napasinghap nalang ako ‘nung matanaw kong tagaktak ang dugo na dumadaloy sa katawan niya. “I SAID, STOP!!” Umalingawngaw ang sigaw ko dito sa ilalim kaya napatingin ang mga kawal sa ‘kin, pati na rin si Heneral Athlas. “Your highness!” Sabi ng mga kawal sabay yuko ‘nung makita ako. “Princess Nataxia, what are you doing here? This is sensitive case.” Saad niya pero naglakad ako sa kinaroonan nila. “Explain his case to me.” Sabi ko sa maawtoridad na boses at mas lalo kong pinaigting ang pormal ko na boses para hindi ako makikilala ni Axel na nakayuko ngayon na parang walang malay. “Murder your highness and there’s a royal law here that death penalty is the punishment for that.” Mabilis na sagot niya pero binalingan ko siya ng matalim na tingin dahil medyo hindi ako nasiyahan sa sinabi niya sa ‘kin. “This is how they conduct an investigation? Can you explain me EVERYTHING, general? I’m not satisfied with your answer.” Tugon ko sa matigas na boses. “According to the report, he killed his opponent using a metal pipe and the victim was declared dead because of severe damage of his skull. Aside from that, he has a group for troublemaking, and based on my personal investigation… he’s a bad boy with bad habits.” Sagot niya sa ‘kin kaya kumawala ako ng napakalalim na hininga sabay baling sa kinaroroonan ni Axel na hindi ko magawan tignan ng matagal dahil sa kalagayan niya ngayon. “Have you asked his statement?” Tanong ko sabay baling sa kaniya ng tingin habang nakita kong inalis niya ang metal head gear na suot-suot niya habang nakatitig siya sa ‘kin ngayon. “His case is obviously a murder—“ “DAMN GENERAL! HOW COULD YOU DO THIS TO HIM WITHOUT KNOWING HIS SIDE?! HE HAVE RIGHTS TO SPEAK!” Dahil hindi ko na napigilan, nasigawan ko siya sa unang pagkakataon kaya bakas sa mukha niya ang pagkabigla dahil sa asal ko ngayon pero hindi naman tamang huhulihin mo ang isang criminal na hindi binigyan ng pagkakataong makapagsalita! “THE TWO OF YOU! ALISIN NIYO SIYA AT IPAGAMOT SA DOKTOR DITO SA LOOB NG PALASYO! BAKA AKO PA MISMO ANG LALATIGO SA INYO HINDI NIYO YAN GINAMIT SA TAMA!” Singhal ko sa dalawang kawal na nakayuko sa ‘kin. “Y-Yes, your highness.” Tugon niya sabay mabilis naglakad sa kinaroroonan ni Axel at sinimulan na nilang tanggalin ang nakagapos na kadena sa magkabulang pulsuhan niya. “And you General, to maintain the human rights here. Do your job, correctly.” Saad ko sa seryosong boses at inihakbang ko na ang mga paa ko para makaalis dito sa ilalim. “Your highness, why can’t you accept me as your prince?” ©cherryypinks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD