CHAPTER 10.1

1298 Words
Nataxia Serofinna’s POV KINAUMAGAHAN, siguro mga 4 am na ako umuwi sa bahay namin ni Mamita dahil may pasok pa ako ngayong umaga. Doon ako natulog sa palasyo dahil 11 pm na yata natapos ang Royal Ball dahil ang dami pang naganap pagkatapos ng sayawan at ang gabing iyon ang pinakamasayang araw na nangyari sa ‘kin dahil sa wakas, inamin ko na ang nararamdaman ko kay Jerickho. “I envy the Princess, she’s so damn beautiful.” Maktol ng isa kong kaklaseng babae dito sa tabi ng desk ko. “She’s so lucky, siya lang ang naisayaw ni Jerickho. Sayang ang effort ko dahil pinapangarap kong maisayaw din ng prince charming ko.” Sabi pa ng isa ‘dun sa kabilang row kaya napangisi lang ako dahil wala talagang naisayaw si Jericho kagabi dahil ako lang. “Tangina ang swerte ng Jerickho na ‘yun, sana ako nalang siya.” Natatawang saad ‘nung kaklase kong lalake. “You’re right Lee, hanggang ngayon hindi ko parin maalis sa isip ko ang nakakabighaning ganda ng prinsesa na ilan taon na akong naiintriga.” “Pati nga mga emperador at prinsipe, manghang mangha ang mga hunghang.” Pinapakinggan ko lang sila habang hinihintay na dumaan si Jerickho dito sa hallway namin dahil dumadaan siya dito tuwing ikalawang subject pero hanggang ngayon, wala pa siya kaya tumayo na lang ako sa kinauupuan ko para lumabas at ‘dun ko nalang siya hihintayin sa hallway. Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang malambot niyang palad sa palad ko dahil umabot ng ilang minuto ang paguusap namin habang ginagabayan niya ako sa sayaw at ngayong araw, sana makita ko siya. Pero lumipas na ang ilang ang minuto, hindi ko parin nakita si Jerickho kaya pumasok na uli ako sa loob dahil dumating na ang professor namin. Hanggang sa naguwian na at wala parin akong nakita kahit anino niya. “Maria.” napakunot ang noo kong narinig ko nanaman ang pamilyar na boses sa likuran ko kaya dahan dahan ko siyang nilingon dahil naglalakad na ako ngayon palabas ng gate. “Bakit?” ‘Yun ang tanging sagot ko dahil parang pakiramdam ko, nanghihina ang katawan ko ngayon at gusto kong magpahinga sa bahay. “Where are you going?” Tanong niya habang nakapamulsang naglalakad dito sa kinaroroonan ko pero napataas nalang ang kaliwang kilay ko dahil parang medyo may kakaiba sa mukha ngayon ni Valentino? “Wait? Wala ka ng hikaw sa ilong at tenga?” Nakangiting saad ko habang pinagmamasdan ang maigi ang mukha niya pero sa halip na sagutin ako, napaiwas nalang siya ng tingin sa ‘kin nu’ng huminto na siya dito sa harapan ko at may kalayuan ang agwat sa ‘kin. Kagabi, nakita ko pang may nga nakasabit sa ilong at tenga niya pero wala na ngayon. Mabuti naman kung ga’nun dahil mas umaliwalas ngayon ang mukha niya. “Hey, look at me.” Sabi ko pa habang sinisilip ko ang mukha niya dahil aaminin ko, parang mas guwapo pa siya kay Jerickho ngayon. “Heyy sabi ko, tignan mo nga ako!” “Tsk.” Matigas na sagot niya sa ‘kin sabay unti-unti niya akong binalingan ng tingin at ga’nun nalang din ang pagkilatis ko sa buong mukha niya. Well, I like his messy black hair, his thick eyebrows, his curvy eyelashes and the color of his iris... is dark which is suitable to his strong aura. The color of his sexy lips are not bad too, and he was wearing a black colored pair of t-shirt with leather jacket and ripped jeans… and I find it cool. “Why all of the sudden? Siguro may pino-pormahan ka ngayon kaya ganito ka-guwapo… Valentino?” Nakangising tanong ko pero narinig ko nalang siya na nagbuntong hininga at napasinghap nalang ako wala sa oras dahil bigla niya lang akong hinawakan sa pulsuhan sabay hinila sa paglalakad. “Ihahatid na kita pauwi.” Sabi niya sa malalim na boses habang kapit kapit parin ang pulsuhan  ko kaya ginalaw ko naman agad ang kaliwang kamay ko para tanggalin ang pagkakahawak niya dahil bigla nalang kumabog ng malakas ang dibdib ko na para bang kinakabahan ako sa ginagawa niya. “K-Kaya kong umuwi mag-isa.” s**t, hindi ko alam kung bakit ako nauutal at napahinto nalang sa paglalakad sabay hinawakan ko ng palihim ang pulsuhan ko dahil parang nakadikit parin ang mainit niyang palad. “Umuwi ka na.” Sabi ko pa pero sa halip na sagutin niya ako, nakita kong napahinto siya sa paglalakad sabay binalingan ako ng matalim na tingin kaya napakunok nalang ako ng sunod sunod. “I… insisted… right? Ihahatid na kita, baka kung ano pa ang mangyari sa ‘yo sa daan.” Madiing sagot niya sa ‘kin sabay hawak nanaman sa pulsuhan ko at hinila ng bahagya para masabayan siya sa paglalakad kaya napasunod naman ako agad sa kaniya. Kinagat ko naman ang ibabang parte ng labi ko sabay napahawak nanaman sa puso dahil t***k ng t***k nanaman! Napatingin nalang ako sa maugat niyang kamay at mahahaba niyang daliri na nakakapit sa pulsuhan ko habang pinagmamasdan ko ang likuran niya. “Maria, hurry up. Stop being stubborn.” pagkasabi niya ng mga salitang ‘yun, bahagya kong tumakbo para mapantayan siya sa lakad niya. Hindi nalang ako nagsalita pa hanggang sa makasakay na kami ng taxi at medyo nakakahinga ako ng maluwag dahil nabitawan na niya ang pulsuhan ko nu’ng bumiyahe na kami. MAKALIPAS ang ilang minuto, huminto ang kotse sa labas ng gate ng bahay namin ni Mamita. “Keep the change.” Sabi ni Valentino sabay iniabot ang pera sa unahan namin kaya tinanggap agad ng driver habang nakangiti. “Salamat sir.” Tugon ng driver kaya naunang lumabas si Valentino dito sa loob at nakita kong inialay niya ang kaniyang palad sa ‘kin pero hindi ko tinanggap ‘yun at kumapit nalang kung saan pwedeng makahawak para makalabas. Baka titibok nanaman ang puso ko pag mahawakan niya ang kamay ko, pulsuhan pa nga lang kanina halos lalabas na ang atay ko, sa palad pa niya kaya. “This is your house? Nice flowers.” Komento niya nu’ng makalabas na ako ng tuluyan habang pinagmamasdan ang bahay namin. “Nice fragrant.” Dagdag niya pa habang napapapikit at parang hinisinghot niya ang hangin. Ang bahay kasi namin, may itinanim si Mamita na parang thornless roses na gumapang sa pader at bintana. Color pink and white na magkahalo kaya ang ganda nga talaga tignan dito sa labas. “Salamat sa paghatid mo sa ‘kin, sa loob ko nalang ibibigay ang bayad ko sa binayad mo kanina.” Sabi ko sabay dukot ng susi sa bag pack ko habang naglakad papalapit sa gate namin. “No need… just let me in and give me a cup of tea, instead.” Nakakahiya naman kung tatanggihan, kaya hindi nalang ako sumagot at binuksan nalang ang gate namin ng tuluyan. Nakita kong nakabukas ang pintuan namin kaya nagpatuloy na kaming pumasok ni Valentino. “Hintayin mo ako dito sa living room at maghahanda lang ako ng maiinom—“ Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko dahil bumungad sa ‘kin si Mamita na nakaupo sa sofa habang kaharap niya si… MISTER HERO?! “Oh, nandyan kana pala baby… nandito si…” Napapikit nalang ako ng mariin dahil nakita kong napasalin ang titig niya kay Valentino na nasa likuran ko. Shit, wrong timing!! “The princess’ personal butler?” Rinig kong bulong ni Valentino kaya napalunok nalang ako ng sunod sunod habang makikita ko sa noo ni Mister Hero na pinagpapawisan siya habang nakatitig lang sa kinaroroonan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD