CHAPTER 1

2065 Words
CHAPTER 1 MAINGAT kong isinilid ang isang scented paper sa likod ng teddy bear para maisagawa ko na ang matagal ko nang ikinikimkim noon pa. Nagipon ako ng lakas ng loob para umamin sa taong gusto ko para maging malaya na rin ‘tong nararamdaman ko. “This is it. Good luck self…” bulong ko sa sarili sabay pinasok ang teddy bear sa bag pack ko at nagmadaling lumabas dito sa classroom dahil sinadya ko talagang mag i-stay dito sa loob para hintayin ang 5 pm, madalas kong nakikita si Jerickho na sa ganitong oras siya lumalabas sa school. "Kaya mo 'to Nataxia, kaya mo 'to!!!" sigaw ko sabay hakbang ng mabilis patungo sa isang malaking puno para hintayin si Jerickho. S'yempre ilang buwan ko na siyang binabantayan, alam na alam ko kung anong oras siya lalabas dito sa school ngayong hapon. ILANG sandali pa, napatitig ako sa wrist watch ko kaya awtomatiko akong napatingin sa isang building kung saan doon siya tumatambay at maya-maya ay lumabas na rin siya sa wakas. Medyo malapit ang pinagtataguan ko kaya mas lalo akong nagiingat baka makita niya akong nakalisip sa kaniya. "Bukas ulit! Bye dudes mauna na ako!" sigaw niya sabay takbo papalabas ng gate kaya nagtago muna ako sabay napahawak sa dibdib dahil pagkakataon ko na! "Kaya mo 'to! Kaya ko 'to"! sigaw ko na pabulong at umalis na ako sa pinagtataguan ko para sundan si Jerickho. Pero pag tingin ko ay nakalabas na siya sa gate pero napangiti ako na'ng makita ko ang itim na sumbrero na suot suot niya sa kanina kaya naka tayo lang siya doon sa labas. Matangkad s'ya kaya kitang-kita rito ang sumbrero kahit may pader na nakaharang. Tumakbo ako sa kinaroroonan ng gate dahil habang wala pang estudyanteng lumalabas, makakakilos na ako. Huminto agad ako sa pagtakbo at napahigpit ang pagkakakapit ko sa teddy bear habang ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko kaya bahala na! Hinakbang ko kaagad ang mga paa ko para makalabas at... "MATAGAL NA KITANG GUSTO!! PLEASE ACCEPT MY FEELINGS TO YOU... Je...rick......ho...?" Literal na nanlaki ang mga mata ko habang napaawang nalang ang ang labi ko sa nakita ko ngayon... "Please accept my feelings huh?" Napaatras nalang ako ng dalawang hakbang habang literal na nanginginig ang mga tuhod ko at sa sobrang pagkagulat, ay nabitawan ko ang hawak hawak kong teddy bear at bumagsak iyon sa simento. "A-Axel... D-De A-Angelo?" mahinang usal ko sa nauutal na boses at napaatras ako ulit dahil bigla siyang yumuko para kunin ang nabitawan kong teddy bear. "Pathetic..." nakangising saad niya na'ng maidampot na ang regalo ko para sana kay Jerickho... Ibigsabin... NAGKAMALI AKO SA PAGBIGAY!!!! Napapikit nalang ako ng madiin habang napapamura nalang ako sa aking isipan dahil sa lahat ng talaga ng pagbibigyan ko ay... Isang lalakeng barumbado pa rito! "...then i will accept your feelings Miss." Nakangising saad niya sa 'kin habang tinititigan niya ako pababa pataas at halos manindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan na'ng humakbang pa siya sa kinaroroonan ko sabay hablot ng braso ko sabay sandal sa malamig na pader ng school. "T-This is misunderstanding! Hindi ikaw--" Nahinto bigla ang paghinga ko na'ng nilapit niya sakin ang mukha niyang may nakaguhit na mapaglarong ngisi sa labi. "Then... you're the badboy's property."  Mahinang usal niya sa ‘kin sa paos na boses kaya parang lalambot ang mga tuhod ko dahil nakakatakot ang lalakeng ‘to! This is Axel De Angelo, Mabilis magalit, mabilis mapikon, brutal kung makipaglaban at hindi ko alam kung ano pa ang background niya pero… bakit siya pa talaga ang naabutan ko ngayon dito at magkaparehas pa talaga sila ng kulay ng sombrero ni Jerickho?! “…Why are you wearing a mask honey? Could you remove that so I could taste your tempting lips?” Nanlaki ang mga mata kong akma niyang tatanggalin ang mask ko kaya mabilis pa sa rumaragasang tren at bigla ko siyang hinawakan ng mahigpit sa buhok at pwesadong sinabunot. “FVCK!!!! HOLY FVCK!!! WHAT THE FVCCCCKKKKK!!!” Daing niya sabay napahawak sa nasabunot kong buhok kaya napatingin ako sa kamay ko at napaawang nalang ang labi ko sa ginawa ko ngayon lang!! ANG DAMI KONG NAKUHANG HIBLA NG BUHOK! “S-Sorry I-I d-didn’t meant to d-do that! E-Excuse me!” Hinakbang ko kaagad ang mga paa ko sabay dampot ng teddy bear na nahulog niya ngayon lang dahil napahawak siya sa buhok niya. “FVCK YOU!!! COME BACK HERE!!" Narinig kong sigaw niya kaya mas pinaigting ko pa ang bilis ng binti ko dahil runner yata ako noong kinder! “I WILL KILL YOU!!!” sigaw niya sa malalim na boses na parang nasa ilalim ng impyerno at umalingawngaw ‘yun sa buong Academy habang ako naman, halos hindi na ako makahinga dahil muntikan na akong madisgrasya!! Wala pang nakakaalam ng totong identity ko sa school dahil ilang buwan ko na rin ito tinatago pero sa bahay na nalang ako magpapalinawag dahil kailangan kong isalba muna ang buhay ko ngayon dahil ayaw ko pang harapin si kamatayan! _ HINGAL na hingal akong huminto sa tapat ng gate ng bahay namin habang napapakapit ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog. Mabuti nalang hindi ako hinabol ng nakakatakot na lalakeng ‘yun dahil sa tingin palang at porma niya ay tatakbo kana. Paano ba naman, dahil may hikaw siya sa ilong tapos may tig tatatlo rin sa tenga at parang sabog ang buhok pero kahit ga’nun ka g**o ang buhok niya ay ang lambot pala dahil ang dami dami ko talagang nakuhang buhok kanina. Siguro magiging panot ‘yun bukas pero kahit ga’nun ang lalakeng ‘yun, inaamin kong my ibubuga talaga siya dahil sa maamo niyang mukha. ‘Yun nga lang, nakakatakot siya kaya walang babaeng nagtatangkang lumapit sa kaniya at ‘yan ang narinig ko sa sabi sabi. “Mamitaa~ I’m here po!” sigaw ko at nakita ko siyang dumungaw sa naka bukas na pinto. “Baby ko~ Welcome back! Kamusta ang school?” Bungad niya sa ‘kin habang nagmamadaling naglakad dito sa kinaroroonan at sabay pinagbuksan ng gate. “It’s fine mamita, maybe it’s fine,” bulong ko dahil sana hindi ko na makita ang nakakatakot na lalakeng ‘yun. “Ihahanda ko na ang hapunan mo para mainit pa okay? Pero baby… tumawag ang mommy mo kung kailan ka dadalaw ‘dun sa palas—“ “Ssssshh! Baka may makarinig sa ‘yo mamitaaa~” Putol ko sa sinabi niya kaya nagmadali kaming pumasok sa loob at doon nalang ako magpapaliwanag sa kwarto ko tungkol sa identity ko. “Basta, magsabi ka kung dadalaw ka ‘dun dahil namimiss kana nila,” mahinang saad ni Mamita sabay sara ng pintuan. “I will Mamita, akyat na ako sa kwarto para makapagbihis muna,” pagpapaalam ko kaya tumango nalang siya at tinungo ko na ang maliit na hagdan patungo sa kwarto ko. Nang makarating na ako ay bunuksan ko na ang pintuan para makapagbihis na ako. By the way, ako nga pala si Nataxia Serofinna pero iniba ko ang pangan ko at ito ay naging Maria Hades dahil sa kagustuhan kong maging Malaya at dahil din ‘yun sa isang lalakeng nakita ko sa labas ng palasyo. Yes, I’m a royal blood, a daughter of King and Queenb and I’m a princess of Serofinna’s Kingdom. That’s why I've been wearing a facemask, I need to hide my true identity for our safety. Pero paano ba ‘to nangyari? Una sa lahat, noong isilang ako sa mundong ito ay hindi pa ako nakakalabas sa palasyo ni kahit aapak sa labas ng nagtataasang gate namin ay hindi ko magawa dahil pinoprotektahan ako ng mga magulang ko. To be honest, being a princess is so damn boring. Wala kang gagawin kundi magaral ng kung ano ano tungkol sa royal blah blah blah tapos private tutors naman ang kaharap ko lagi kaya sobrang nakakatamad ang buhay. Maybe I can do whatever I want in my one command but I want to be free. Kaya lumabas ako ng palasyo o sabihin nalang nating tumakas ako pero 18 na ako ‘nun at ‘dun ko nakita si Jerickho sa labas ng Academy na pinapasukan ko ngayon, he’s like a living angel to me. Wala naman akong intensyon para makipagkilala ng hindi namin kauri dahil ‘yun ay isa sa mga royal rules ni Dad sa ‘kin pero nagsimula kasi ang lahat sa… makulimlim na langit at aasahan na bubuhos ang napakalakas na ulan kaya napasilong ako sa labas ng isang Academy. Syempre naka facemask parin ako ‘nun para hindi ako makilala ng taga labas at doon ko nasilayan si Jerickho Redison dahil bigla niya lang inoffer sa ‘kin ang itim na payong habang binigyan niya ako ng matamis na ngiti, simula ‘nun... lagi na akong tumatakas sa palasyo para makita siya at hindi ako nagkamali sa pagkakilala sa kaniya dahil mabuti siyang tao, maybe you can call me a creepy stalker but I like him a lot. ‘Yun nga lang, sikat na sikat siya dito sa Academy dahil magaling siya sa sports, matalino, mabait tapos matulungin pa dahil madalas ko siyang nakikitang tinutulungan ang mga taong nangangailangan lalo na ‘yung mga matatanda. Pero hindi nagtagal ang pagtatakas ko sa palasyo dahil nahuli ako ng isang kawal namin kaya isinumbong ako kina Mom at Dad. Dahil sa matagal na akong nasasakal sa palasyo, nilabas ko ang hinanakit ko na gusto ko maging malaya kaya napagdesisyonan nilang ilabas ako pero tago ang identity ko. Kasama ko ngayon ang nanny ko simula nu'ng baby pa ako dito sa loob ng maliit na bahay. Tungkol sa school Id ko, bayad ‘yun ni Dad para pahintulutan akong mag mask sa picture. Nu'ng una ay nahihirapan ako dahil hindi ako makahinga pero nasanay na. Parang mata lang kasi halo ang makita sa mukha ko. Ginagawa ko ‘to hindi lang sa gusto ko makita lagi si Jerickho, kundi gusto ko rin maranasan na magaral at makakalabas para magagawa ko ang gusto ko pero sa ilang buwan na nakalabas ako sa palasyo, wala akong naging kaibigan dahil creepy daw ako dahil sa mask ko. Med'yo inaapi rin ako ng mga babaeng maarte sa school pero wala silang kaalam alam na kami ang may ari ng school tapos anak ako ng hari at reyna na nagbibigay ng kaunlaran dito sa lugar namin. Hindi naman ako aping-api talaga, tss. Pero kailangan kong itago ‘tong indentity ko dahil pinagiinitan ang palasyo namin at gumagawa ng paraan para may makuha sila kaya kailangan kong magingat dahil baka gagamitin akong hostage pero… sa lahat ng ginawa ko… hindi parin ako nakapag confess dahil pinaghihinaan ako ng loob at ngayong nagkaroon na, naging palpak pa! Hindi ko nga alam kung kailan uli ako magkaroon ng lakas loob para gawin ulit ‘yun dahil ang hirap kaya umamin sa taong hindi ka naman kilala tss. “Baby! Your dinner is serve!” Rinig kong sigaw ni Mamita kaya inasyos ko na ang sarili ko para makakain na ako. “Coming Mamitaaa! _ Kinaumagahan… NAKAUPO ako ngayon sa desk ko habang nag ttype ng report sa power point presentation para mamaya pero ako ang solong gumagawa at hindi ako tinutulungan ng walang kwentang group mates ko. “Maria! Ang tagal mo naman mag type! Bilisan mo at ibigay mo na sa ‘min ang lines na dapat i-memorize!” sigaw ni Jell kaya kumawala ako ng napakalalim na hininga dahil ang sarap ihampas sa ulo nila ‘tong laptop dahil nag c-cellphone lang naman ang ginagawa ng dalawa dito sa harapan ko. “Hurry up Maria, hindi ka gaganda sa ginagawa mo," sabi pa ni KC at narinig ko namang tumawa ‘yung Jell. “Come on KC, she’s literally ugly that’s why she's wearing a mask every time.” Hindi ko nalang sila pinansin dahil sanay na ako sa mga pangungutya nila sa ‘kin. Pero sa kalagitnaan ng pag t-type ko ay bigla nalang ako nakarinig ng malakas na pagbagsak ng pintuan kaya napatingin agad ako doon. “WHERE’S THE GIRL WHO WAS WEARING A FVCKING MASK?!” ©cherryypinks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD