CHAPTER 6

1241 Words
CHAPTER 6 Nataxia Serrofina’s POV “Who’s that, my princess?” Napabaling naman ako kay Dad dahil may dumating na isang butler dito sa terrace. “I-Isa siya sa mga kawal Dad, may ipinatugis lang ako sa kaniya.” Depensa ko habang nakatitig kay Dad kaya tumango naman siya sa sinabi ko. “I need to go Dad, kakamustahin ko lang kung ano ang nangyari sa pinagawa ko.” Sabi ko pa sabay tayo sa pagkakaupo ko para mapuntahan siya sa ospital dito sa loob ng palasyo pero bakit niya naman ako pinatawag? “Your highness, what’s your plan for him?” Tanong sa ‘kin ni Mister Hero na sinundan ako sa paglalakad. “Do you know him, your highness?” “Yes Hero, but he’s not my friend or what. Pero inaangkin niya ako bilang si Maria Hades dahil pamilyar daw ako sa kaniya.” “Hindi kaya’t nakita ka niya dito sa loob ng palasyo?” “Too impossible, Hero.” Paano niya naman ako makikita dito dahil hindi naman siya makakapasok basta basta dito sa loob ng palasyo? Para makita ko nalang siya, iniabot na ni Mister Hero ang gear ko para hindi niya ako makilala dahil papunta na kami ngayon sa ospital na medyo may kalayuan dito sa ikalawang palapag. MAKALIPAS ang ilang minuto, pinagbuksan na ako ng pintuan ni Mister Hero kaya pumasok na ako sa loob para makita ko na si Valentino. May Valentino pala ang pangalan niya, medyo nakakatawang pakinggan pero ‘yan na ang itatawag ko sa kaniya simula ngayon. “Good day your highness.” Bati sa ‘kin ng isang doktor dito sa loob at nakita kong nakahiga si Valentino na halos mapuno na ng benda ang kaniyang katawan. Napansin niya kaagad ako kaya bigla siyang napaupo pero makikita ko sa expresyon ng mukha niyang nahihirapan siya. “Thank you for coming your highness.” Magalang na saad niya kaya napataas naman ang kilay ko dahil ‘dun. Marunong din pala ‘tong gumalang ang Valentino na ‘to? “What’s your point of calling me here?” Tanong ko sa pormal na boses habang umupo sa upuan na binigay sa ‘kin ni Mister Hero kaya nakaupo ako ngayon sa paanan niya banda. “The doctor said, you helped me so I just wanted to thank you for saving my life but I did that because he r***d my neighbor’s daughter. He is a g**g leader of ‘Black headed Skull’, also he tried to kill my comrade so he deserve that for me. I have my strong evidences to prove that he is a scum criminal.” Puno ng sensiridad niyang sabi habang nakayuko siya talaga ngayon sa ‘kin kaya may galang nga talaga ‘tong lalakeng ‘to kahit bastos siya sa una naming pagkikita sa Academy. “Although, killing is a sin and taking revenge is wrong but about defending your friend is kind of heroic for me.” Sabi ko sa kaniya kaya dahan dahan niyang inangat para tignan ako. “Maybe I will convince my father if ever you would've received the death penalty.” “But your highness, the General told the magistrate about his case. I know he will.” Rinig kong saad ni Mister Hero dito sa likuran ko. “I know what I am doing. Kalapastangan ang ginawa niyang pagaabuso sa mga kababaihan, dapat lang siyang mamatay. Kung nagmamatigas pa ang hukom tungkol sa kaniyang kaso, baka may gagawin akong hindi nila magugustuhan.” “Copy, your highness. I will tell the magistrate’s secretary about this.” Rinig kong tugon ni Mister Hero. “Thank you, your highness. This is deeply appreciated, my comrades were worried for me. Alam kong patay na ako sa isip nila dahil sa ginawa kong krimen.” Magalang na saad niya sa ‘kin kaya tumayo na ako sa pagkakaupo. “Your highness, I will give my debt of gratitude right now. I wanted to become one of your warriors here. I will serve you, as your loyal defender.” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya sa ‘kin. “No need, this is my personal job. I just wanted to help my people.” “Your highness, I insisted. Because not just a long ago, I was staring at you not so far away. My father was a gardener here back then and I was helping him when I was 12, I haven't seen your face but I was in your garden, looking for your presence at the terrace.” Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata at tinitignan ko lang siya ngayon pero hindi ko alam kung tatanggapin ko ba na maging kawal siya dito sa palasyo? Matagal na rin na panahon ang sinabi niya pero, wala akong napansin noon na may batang nagtrabaho dito sa palasyo? “I wanted to serve you. I wanted to... sacrifice my life to you, your highness.” Dagdag pa niya pero tumalikod na ako dahil hindi pa ako makapagdesisyon ngayon. “I will think about it. Wait for the royal letter for you, Mister De Angelo.” “I will your highness, and I hope you will give a chance to prove that I’ll be a loyal subject to your kingdom.” Kaya pala sinabi niya sa ‘kin bilang si Maria Hades na pamilyar ako sa kaniya? Baka mabuking ako nito pag nagkataon? Ang talas naman ng isip ng lalakeng ‘to, para maalala na pamilyar ako sa kaniya? “Go home safely, Mister De Angelo. Wala ka na sa bingit ng kamatayan ngayon.” Sabi ko at nagumpisa ng maglakad palabas ng silid. “Hero, what do you think?” Tanong ko ‘nung makalabas na kami. “Para sa ‘kin nagsasabi siya ng totoo tungkol sa taong pinatay niya, karapat dapat siyang maging isa sa mga kawal dahil sa pagtatanggol sa kaniyang kapwa. Ngunit, sigurado akong hahadlangan ito ni Heneral Athlas dahil masyado siyang mahigpit sa pagpili ng kawal, lalo na’t siya ang tumugis sa lalakeng iyon.” Alam na alam ni Mister Hero ang ugali ni Heneral Athas, pero wala pa naman akong desisyon kung tatanggapin ko siya bilang kawal. “But I know his father, your highness. Naging hardinero siya dito sa loob ng tatlong taon, subalit inakusahan siyang nagnakaw ng isang brilyante dito sa loob ng palasyo. Sa matatandaan ko pa, naging kaibigan ng Hari ang ama ng binatilyong iyon kaya’t pinalayas siya dito sa palasyo at hindi hinatulan ng kamatayan.” Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Mister Hero dahil hindi pala maganda ang background ng pagalis ng ama niya dito. “Wala namang problema sa ‘kin kung tatanggapin niyo bilang kawal ang binatilyong iyon, sayang ang kaniyang tindig at kakisigan kung hindi niyo siya tatanggapin. Kamahalan.” Natawa nalang din ako ng mahina dahil sa sinabi ni Mister Hero dahil maging siya, hindi pinagkailang may ibubuga ang lalakeng ‘yun. “Ang pinagalala ko lang, baka mahalata niyang ako ang prinsesa habang nagpapanggap bilang si Maria Hades lalo na’t sinabihan niya akong pamilyar kaya nakakapangamba.” “I will always respect your decision, your highness.” Napatango naman ako sa sinabi niya kaya pagiisipan ko talaga ng mabuti dahil ako ang mapapahamak pag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD