Chapter One

1623 Words
Lyra's POV “Lyra, condolence ha,” Gumanti lang ako ng tipid na ngiti kay Matthew. “Di ba kalilibing lang ng Papa mo kahapon? Sure ka bang kaya mo nang magtrabaho?” Itinuloy ko ang pagsusuot ng hairnet at ng apron na itim. “Kailangan, marami akong babayarang utang na nagastos sa libing ni Papa,” Dalawang linggo na akong hindi nakapasok dahil sa biglang pagkamatay ni Papa. Kinailangan kong asikasuhin ang pagpapalibing at inabot ako ng higit isang linggo para makahanap lang ng sapat na pera pangraos ng libing niya. “Magsabi ka kaya kay Boss Gino. Baka mapahiram ka,” sa totoo lang ay nahihiya na ako sa amo ko. Ilang araw na akong absent pero buo nitong ibinigay ang sahod ko. Ayoko mang kaawaan ako ng ibang tao, pero wala akong magawa kasi wala na akong ibang matatakbuhan, mag-isa na lang ako sa buhay. “Hindi na siguro, wala naman na din akong iintindihin kundi sarili ko,” “Bumalik ka sa pag-aaral Ly. Sayang naman at dalawang taon na lang ulit ang gugugulin mo, graduate ka na,” Eighteen years old ako nang magsimula akong magtrabaho. Magti-third year college na ako nang mapilitan akong huminto sa pag-aaral para magtrabaho. Nagkasakit si Mama sa colon at hindi sapat ang kinikita ni Papa bilang driver ng jeep na bina-boundery-han pa niya. Nabaon kami sa utang pero hindi rin naman namin naipagamot si Mama kaya lalo lang din siyang lumala at namatay din pagkatapos ng ilang buwan sa ospital. “Titingnan ko, Matthew” sa totoo lang ay nawalan na ako ng ganang mabuhay simula nang mawala sina Mama at Papa. Para saan pa ang pagsusumikap ko kung wala na ang mga taong inspirasyon at pag-aalayan ko ng mga pangarap ko? “Basta friend nandito lang ako ha,” bahagya akong niyakap ni Matthew. Sa dalawang taon na pagtatrabaho ko dtto sa burger house ay siya lang ang naging malapit sa akin. Hindi ako mahilig makipagkaibigan dahil wala din naman akong mapapala sa kanila. Mahilig lang silang gumimik at magliwaliw kaya iniwasan kong sumama sa kanila. Mas kailangan ko ang pera kesa sa pagpapakasaya. “Oh, Lyra, bakit pumasok ka na agad? Okay lang naman kung magpahinga ka muna,” Bungad sa akin ni Sir Gino. Ang may-ari at siya na ring manager nitong burger house. “Wala rin naman po akong gagawin sa bahay Sir Gino,” Sagot ko sa kanya at nagsimula nang ayusin ang mga ingredients bago magbukas ang tindahan. “Sure ka? Basta kung may kailangan ka ha, huwag kang mahihiyang magsabi,” tinapik niya ang balikat ko bago inilabas ang cellphone niya. “Nasan ka na naman? Huwag mong sabihing hindi ka na naman papasok sa trabaho?” Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil nakapasok na siya sa kanyang opisina. “Sino yun?” tanong ko kay Matthew. Ngayon ko lang narinig na may sinermunan si Sir Gino. “Yung bagong crew dito. Nung nakaraang linggo pa nagsimula kaso nakaleave ka na kaya hindi kayo nagpang-abot,” Malawak ang ngiti ni Matthew nang binabanggit ang tungkol sa bago naming kasama. Pusta ko gwapo na naman yun kaya todo ngiti ang bakla. “Gwapo sana, kaso tamad. Palibhasa pinsan ni Sir Gino kaya petiks lang. Madalas ngang mahuling nagyo-yosi lang diyan sa likod eh. Tsaka suplado,pero gwapo. Yummy, bakla!” Napailing na lang ako sa kanya. Kahit kailan talaga ay hindi ito pahuhuli pagdating sa kalandian. “I-ready mo na yung mga bun at sauce. Mamaya magbubukas na tayo,” sa halip ay sagot ko sa kanya. Sa isang café dito sa metro kami nagtatrabaho. Palibhasa ay nasa marangyang lugar kung saan may malalaking universities kaya mabenta ang lugar na ito dahil bukod sa masarap ang pagkain ay maganda ang ambience ng lugar. Instagrammable daw sabi nung mga estudyanteng kumakain dito. May mangilan ngilan ng customer nang dumating ang isang pamilyar na lalaki. Hindi ko makakalimutan ang malalalim nitong mga mata. Agad kumabog ang puso ng makita ko siya. “Bakit ngayon ka lang?” dire-diretso itong pumasok sa restricted area ng kitchen na parang siya ang nagmamay-ari ng lugar na ito. “Ayan na siya,” bulong sa akin ni Matthew. “Bakit ngayon ka lang? two hours ago pa nagstart ang shift mo,” kahit kalian talaga ay hindi marunong magalit si Sir Gino kaya minsan ay naaabuso na siya ng mga pasaway na crew ditto. “Relax, Gino. Nandito na ako,” simpleng sagot ng bagong dating na lalaki. He was also wearing the same uniform. Hindi ako makapaniwala na dito ko pa muling makikita ang lalaki sa rooftop. “Tss! Lyra si Reed. Bago nating crew dito. Reed, si Lyra,” tumango lamang siya sa akin bago pumasok sa crew room para ilagay ang gamit niya sa locker. “Ly, maglilinis muna ako ng CR ha. Ako ang nakaassign ngayon eh,” paalam ni Matthew sa akin. Maya-maya pa ay tumabi na sa akin si Reed. Agad akong nakaramdam ng pagkabog ng dibdib. Naalala kaya niya ako? Paano kung ipagkalat niya ang muntik ko nang pagtalon sa rooftop? “Stop staring," walang emosyong sabi nito. Napayuko ako agad ng ulo nang magtama ang mga mata namin. Akmang tatalikod na ito nang maisip kong tanuning siya. “H-hindi mo ba 'ko naaalala?” kumunot ang noo niya bago ngumisi sa akin. “hindi ka maganda para maalala kita,” nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sinabi niya. Hindi naman kailangang maging maganda ako para maalala niya. At hindi rin naman niya kailangang ipamukha sa akin na hindi ako maganda. “Tss!,” muli itong ngumisi bago ako tinalikuran. “Antipatiko,” mahinang sabi ko nang makaalis siya. Dumarami na ang customers dahil oras na ng uwian ng mga estudyante sa mga kalapit na universities. Nakaalis na din si Sir Gino dahil may lalakarin daw itong personal. Parehas na kaming abala ni Matthew. Ako sa pag take ng order sa counter at si Matthew naman sa pagluluto ng mga orders. Tatlong oras nang hindi lumalabas sa crew room ang antipatiko na ‘yun. Wala yata siyang balak magtrabaho. Ayoko sanang tawagin siya dahil ayokong kausapin ang isang hambog na katulad niya pero nagsisimula nang mareklamo ang mga customers. Wala na akong nagawa kundi puntahan siya sa crewroom. Kung akala kong maaabutan ko itong natutulog at petiks lang siyang nagpapahinga pero mas nabigla ako nang makitang may kasama itong babae sa loob at gumagawa ng kababalaghan. Halos magkainan na sila ng mukha sa grabe nilang maghalikan. Kung nahuli pa ako ng kaunti ay baka ibang eksena na ang naabutan ko. Pero parang walang pakialam ang dalawa sa presensya ko at hindi man lang natinag na may ibang tao nang nakakakita sa kalandian nila. “Ehem,” nilakasan ko ang pagtikhim. Nakita ko ang pagsulyap ni Reed sa akin pero ngumisi lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Excuse me,” iritableng ani ko. Naging matagumpay akong mapatigil sila sa pangatlong pagtawag ko. Pinanlisikan pa ako ng mata ng babae na parang kasalanan ko pang naistorbo sila sa ginagawa. “Ang dami nang tao sa labas, baka gusto mo ng magtrabaho,” Taas kilay kong paalala sa kanya. Hinaplos nito ang pisngi ng babae at may ibinulong dito na ikinahagikgik ng babae. Humabol pa ng isang halik ang babae sa kanya bago tumayo at naglakad palabas ng silid. “Pakialamera,” narinig ko pang ismid niya sa akin. Kung hindi ko lang nakilalang regular customer siya dito sa Burger House ay nahaltak ko na ang kulut-kulotan niyang buhok. Tumayo na rin si Reed at sinuot ang apron niya. Naglakad na ito palabas ng crew room bago ko ito sinita. “Wear your hairnet,” mariing paalala ko sa kanya. Bumalik ito sa harapan ko at lumapit ng sobra sa akin. Napaatras ako at naramdaman ko na ang paglapat ng likod ko sa locker dahil sa paglayo ko sa kanya pero mas lalo pa siyang lumapit sa akin. May kinuha itong kung ano sa back pocket ng pantalon niya pero hindi nito inalis ang mga mata sa akin. Pigil na pigil ang paghinga ko dahil iilang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa at hindi pa rin niya inalis ang tingin sa akin habang ipinapakita sa akin ang pagsuot niya ng hairnet. Habol ang paghinga ko nang lumayo na ito sa akin at iniwanan akong mag-isa sa crew room. Antipatiko talaga! Pinakalma ko muna saglit ang sarili ko. Ayokong lumabas na naghahabol ng hininga. Umaapaw ang kabwisitan ko sa lalaking ‘yun. Naabutan kong abala sa pagluluto si Matthew habang ang hambog na ‘yun ay nakikipag kwentuhan sa mga estudyanteng babae sa isang table. Sila rin yung mga babaeng nagagalit kanina dahil natatagalan sa pagtake ng order dahil nga nasa kaha pa ako. Pero kung anong sungit nila ay siya namang todo ngiti nila sa mayabang na ‘yun na parang hindi man lang nag-iinarte kanina. “Bakla, iba talaga kapag gwapo noh? Nakakawala ng init ng ulo,” bulong ni Matthew sa akin. “Hindi naman gwapo,” sagot ko dito pero siniko lang ako nito dahil papalapit na si Reed sa amin. “Order nung table 6,” inabot nito sa akin ang papel na pinagsulatan niya ng orders ng mga estudyante. Tumaas lang ang kilay ko sa kanya at kinuha ang papel. Naramdaman ko ang paninitig nito sa akin habang pinipilit kong huwag ialis ang atensyon ko sa cash register. “Tss!” Nakita ko ang pagngisi niya sa giliran ng mata ko bago umalis at nag take ng order sa kabilang table. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD