NANLAKI ang mga mata ni Tita sa sinabi ko. Nilapitan niya ako at tiningnan muli ang hawak kong test kit. “Oh, my god!” Napasigaw siya sa tuwa habang ako ay wala pa rin sa sarili. Pinoproseso kong mabuti ang nalaman. Napatingin ako sa tiyan ko at napaisip nang malala. Ang pagiging moody ko madalas, ang pagka-delay ng aking period, ang pagsama ng pakiramdam at pagsusuka ko, higit sa lahat ang pagtaas ng timbang ko. Lahat iyon ay senyales ng pagbubuntis. Bakit nga ba…hindi ko naisip agad? “We need to get an appointment to my doctor, Serena! Kailangan nating magpa-checkup!” Halata ang excitement ni Tita. She was always so prim and proper, pero ngayon ay daig niya pa si Clarity kung makapagsalita sa sobrang punung-puno ng energy niya. Parang doon ko lang napagtanto ang lahat. Napatakip ako

