Dakong alas-otso ng gabi.
Kakauwi lang ni Riley sa kanilang bahay galing sa opisina ni Jeff. Naghahalong saya at pagtataka ang kanyang nadarama dahil sa wakas ay sila na ulit ni Jeff pero hindi niya pa alam kung ano ang ibig sabihin ni Alvin na siya daw ang umagaw sa pagmamahalan nila ni Jeff.
Nang pagpasok ni Riley sa bahay ay nandoon si Cindy, nakatayo malapit sa pinto, naka-krus ang dalawang braso at nakatingin sa kanya.
“Bakit ngayon ka lang?” panimula ni Cindy kay Riley “Saan ka nanggaling?”
“Naghahanap lang ako ng trabaho” sabay upo sa sofa
“Saan?? Kay Jeff na naman ba?” dugtong niya sa asawa “Sobrang tigas talaga ng ulo mo. Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo na doon mag-apply ng trabaho?”
“Pwede ba?? Pagod ako sa paghahanap. Ang ingay mo”
“Ahh. Ako pa ngayon ang maingay?? Sige. Paano ako hindi maging maingay kasi alam ko na doon ka naman nanggaling sa opisina niya”
“E ano naman ang sa’yo kung doon ako galing sa kanya?” dugtong ni Riley “Alam mo naman ang rason ko diba?”
“Oo. Alam ko. Na mahal mo pa rin siya”
“Oh. Alam mo naman pala eh. Bakit ka pa nag-iingay?”
“Ang akin lang naman, Nathan. Sana hindi mo iparamdam sa akin na wala akong kwenta sa iyo”
“Ano na naman ba ‘to, Cindy?? Anong drama na naman ba yan…?” sambit niya sa asawa “Dito nga ako umuuwi sa inyo oh. Kayo pa rin ang pamilya ko”
“Oo nga. Kami ang pamilya mo pero iba naman ang laman ng puso mo” sagot ni Cindy “Kahit alam mo na, na sinaktan ka niya at inamin niya na sa’yo na siya ang may pakana nung pambubugbog at pahirap mo sa restaurant. Minahal mo pa din siya”
“It’s because I deserved it. Hindi ko naman siya masisisi kung ginawa niya yon sa akin dahil nasaktan siya” dugtong niya “Pero masaya na kami ngayon sa isa’t-isa dahil pinatawad niya na ako. Mahal na mahal ko siya”
Biglang kumurot ang puso ni Cindy sa mga sinabi ni Riley. Masakit pakinggan na hindi siya ang laman ng puso ng kanyang asawa kundi ang ibang tao.
“So kayo na ngayon?” tanging tanong ni Cindy.
“Oo. Kami na” sagot naman nito
“E paano naman ako, Nathan?? Paano ang pamilya natin?” sabay lapit niya sa asawa.
“Ilang beses ko bang sinabi sa’yo na walang tayo…? Pinakasalan lang kita dahil pinagbantaan ako ng kapatid mo. Hindi kita mahal, Cindy. At yan ang totoo” sambit ni Riley na tila nagagalit na ito “Magpasalamat ka pa nga na dito pa ako umuuwi eh. At para lang yan sa anak natin na si Stephen. Para hindi niya nakikita na sira ang kanyang pamilya”
“Pero sa ginagawa mo ngayon. Sinisira mo na ang pamilya natin”
“Pamilya na nasa imahinasyon mo lang” sabat ni Riley “Pinagsabihan na kita noon, Cindy. Pero pilit mo pa din binubuo ang pamilya mo. Mahal ko si Jeff at yun ang totoo”
Tumayo si Riley sa sofa at kaagad dumerecho sa kanyang silid para magpahinga at para umiwas sa bangayan nilang mag-asawa. Hindi niya namalayan na nakatayo ang anak niya na si Stephen sa gilid at tinitignan ang kanyang magulang na nagtatalo.
***
Kinabukasan. Nagpunta si Cindy sa opisina ni Jeff dahil hindi niya talaga matanggap ang nangyari na nagkabalikan muli ang kanyang asawa at si Jeff.
Pumasok siya sa gusali at lumapit sa front desk.
“Good morning, Miss” bati ni Cindy sa babae “Pwede ko bang makausap si Mr. Jeffrey Dy?”
“Ano po ang pangalan ninyo, Ma’am?” tanong ng babae habang may tinitignan sa computer
“Cindy Rodgers”
“Ay Ma’am. Pasensiya na po. Wala po kayo sa lista sa mga appointments ni Sir”
“Hindi ba pwedeng isingit mo na lang ako diyan?”
“Sorry po, Ma’am. Hindi talaga pwede. Busy po ngayon ang schedule niya. Hindi ko po kayo masisingit”
“Please naman, Miss. Importante talaga na makausap ko siya” pangungulit niya sa babae.
“Sorry po talaga, Ma’am. Hindi talaga”
Biglang uminit ang ulo ni Cindy dahil ayaw nila papasukin siya sa opisina at tila tinatago nila si Jeff sa kanya.
“Ayaw niyo talaga??! Sige. Kung ayaw ninyo… mag-iiskandalo ako dito”
“Ma’am. Please. Huwag naman po”
“No. Gagawin ko ‘to!” pagmamatigas ni Cindy na parang tumataas na ang tono ng boses. “Gusto kong mapahiya ang Jeff na yan dahil sa gagawin kong ‘to”
“Sige. Gawin mo yan” sulpot ni Jeff. Kakapasok niya lang ng gusali at narinig lahat ang pag-iiskandalo ni Cindy “Tignan lang natin kung sino ang mapapahiya sa gagawin mo”
Napatingin naman si Cindy sa kanya at nagulat sa pagdating ni Jeff “Mr. Jeffrey Dy. Andito ka na pala”
“Ano ang kailangan mo, Cindy? Bakit ka andito at magsasayang ng oras para mag-iskandalo?”
“Gusto ko lang mag-usap tayo”
“Mag-usap?” ulit ni Jeff “Sorry, busy ako. Next time na lang” sabay alis ni Jeff sa harapan ni Cindy.
Kaagad naman hinawakan ni Cindy ang braso ni Jeff. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak. “Mag-usap tayo. Huwag. Kang. Bastos.” napatingin si Jeff sa braso nito na hinawakan ng isa, at muling tinignan si Cindy sa mata. Matagal ang titigan nilang dalawa na tila may halong inis ang bawat isa.
Inalis niya ang kamay ni Cindy sa kanyang braso. “Sige. Mag-usap tayo. Doon tayo sa opisina ko” Sumunod naman siya kay Jeff papasok sa elevator.
Nang pagpasok nila sa opisina ay kaagad tinambangan ni Cindy si Jeff. Napatingin na lamang si Jeff sa babaeng nasa harapan niya na parang galit na ito. Hindi naman pinansin ni Jeff ito at dumerecho sa kanyang upuan at kaagad itong umupo. Pinatong niya ang dalawang paa niya sa mesa at sumandal agad sa upuan.
“Mag-usap tayo, Jeff” lapit ni Cindy sa mesa
“Go on. I’m listening”
Parang nainsulto si Cindy sa ginawa ni Jeff na pagpatong niya ng kanyang mga paa sa mesa na tila hindi nirerespeto ang kausap. Pero hindi niya na lang pinansin ito at kaagad ginawa ang kanyang totoong balak. “Kayo na ba ni Nathan?”
Ilang segundo din ang paghinto ni Jeff sa kanyang narinig at kaagad ito ngumiti at tumawa na tipid. “For real?? Pumunta ka lang dito para mag-akasya ng oras mag-iskandalo sa lugar ko para lang sa walang ka-kwenta-kwentang tanong?”
“Pwede ba, Jeff. Pakisagot na lang”
“Hindi. Hindi kami”
“Sinunggaling ka. Sinabi na saakin kagabi ni Nathan na nagkabalikan kayo” dugtong ni Cindy “Huwag ka nang magsinunggaling pa, Jeff”
“Oh. Eh. Sinabi na pala niya sa’yo. Bakit ka pa nagtatanong?” balik ni Jeff sa kanya “Alam mo naman ang sagot”
“Hayup ka” sambit niya “Nakapaka-walang hiya mo. May pamilya kami. May anak kami. Bakit mo sinisira ang pamilya namin?!”
Tumayo si Jeff at lumapit sa bintana ng opisina niya. “Just cut the drama, Cindy. Alam ko na ang buong kuwento ng LOVE STORY ninyo”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Still clueless??” sagot ni Jeff at lumingon kay Cindy “Alam ko na nilasing mo si Riley nung gabi na nagkita kayo at sinadya mo na may mangyari sa inyo at mabuntis ka. At nung nabuntis ka, ginamit mo ang bata para ipakasal ka niya, at yun, nagkatotoo nga ang fairy tale na ginawa mo”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo, Jeff. Gumagawa ka lang ng kuwento para makalusot ka sa ginagawa mo ngayon sa amin ng pamilya ko”
“Pamilya na pilit mong binubuo” dugtong ni Jeff “Hinding-hindi ka magiging masaya kung pinipilit mo ang tao na ayaw sa’yo. Take that as an advice”
“Advice?? Para makuha mo ang asawa ko?” sabat naman niya kay Jeff “Sa mata ng batas at sa mata ng Diyos, ako pa rin ang asawa niya, at kabit ka lang. Isang baklang kabit”
“Oo. Asawa mo. Pero asawa ka lang niya sa papel at ako ang mahal niya”
“Pero may anak kami. Si Stephen” sabat pa niya kay Jeff “At iyan ang rason kung bakit buo pa din ang pamilya namin at hindi mo yan mababago”
“At iyan lang ang natatanging rason kung bakit pa siya umuuwi sa inyo. Sa anak niyo lang. Pero sa’yo, hindi”
“Ano ba ang kailangan kong gawin para umalis ka na sa buhay namin?”
“Kailangan? Wala naman”
“Then umalis ka na sa buhay namin ni Nathan! Utang na loob”
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ako ang unang lumapit sa kanya?” dugtong ni Jeff “Siya ang sabihin mo. Hindi ako”
“Siya nga ang unang lumapit sa’yo pero hindi ka ba marunong umiwas?” sabat naman niya “Para lang sa anak ko, Jeff. Umiwas ka na”
“As I said. Sa kanya ka maghingi ng pabor”
Uminit ang ulo ni Cindy dahil hindi niya talaga mapakikiusapan si Jeff. Linapitan niya ito na parang naninindak ang kanyang mga mata. “Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo…? Sumisira ka ng pamilya?? Hindi ka ba natatakot mapunta sa impyerno??! Bakla ka na nga, tapos kabit ka pa. Mahiya ka naman sa balat mo!”
“Hmmmm. Meron naman. Grabe ka naman” ngiti ni Jeff “Ikaw? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?” balik niya kay Cindy “… na pinipilit mo lang ang sarili mo sa lalaking ayaw sa’yo. Pinipilit mo din ang pamilya na sa imahinasyon mo lang gumagana. Hindi kaba naaawa sa anak mo?? Pinapaasa mo lang siya na kumpleto ang pamilya mo dahil kahit anong gawin mo… hinding-hindi mabubuo ang pamilya na gusto mo. Mabubuo nga pero walang pagmamahalan”
Natahimik na lang si Cindy dahil nawalan na siya ng isasagot sa mga patama ni Jeff sa kanya “Itigil na natin ‘to, Jeff. Ito lang ang masasabi ko. Stay away from my husband. Kung ano man ang namamagitan sa inyo ngayon. Itigil n’yo na yan. Para sa pamilya ko” kaagad tumalikod kay Jeff at nagtungo sa pintuan. Pero bago siya lumabas ay lumingon uli siya kay Jeff at tila may sasabihin muli “Salamat sa oras, Mr. Jeffrey Dy. Sana tanggapin mo ang alok ko sa’yo. After all, it’s nice to have a meeting with you”
Tuluyan nga lumabas si Cindy sa opisina ni Jeff. Iniwan niya ito na nakatayo lamang at may halong galit at awa ang mukha.
***
Tumakda ng isang summit meeting si Mr. Dwight Chua para pag-usapan nila ang tungkol sa kapabayaan ng may-ari at kung paano nila aayusin ang problema.
“Good morning” bati ni Mr. Chua sa kanila “Nag-set ako ng meeting kasama ni Mr. Cruz ngayon, because on the alarming behaviour ng may-ari na si Jeffrey Dy” dugtong niya “He’s not performing well as an Owner, Chairman and Chief Executive Officer of The Dy Group of Companies”
“Bakit Mr. Chua? Ano ba ang ginawa ni Mr. Dy?”
“Except sa kapabayaan niya at bilang pagiging irresponsable sa kanilang meeting nina Don Rolando?? Oo, meron pa” sagot nito “50% ng mga kumpanyang hinahawakan niya ay bumaba ang sales compared last month. Like sa Hotels and Restaurants, Transportation at marami pa. Lahat ay nasa ilalim ng Service Industry”
“It’s simple, Mr. Chua. Hindi ito peak season. That’s why, bumaba ang sales ng Service Industry, especially sa amin sa airlines. Dahil hindi pa bakasyon”
“Kahit na. It’s his job na gumawa ng paraan para tumaas ito” pagmamatigas niya “Hindi puro pa-cute lang”
Tumahimik ang lahat na tila sumang-ayon kay Mr. Chua sa kanyang sinabi.
“So, what is your proposal, Mr. Chua?” tanong ng isang president “Expel him from office?”
“Exactly”
“Then how?? Siya ang may-ari. Wala tayong karapatan na tanggalin siya sa pwesto”
“It’s easy” sabat ni Mr. Chua na parang sigurado siya sa kanyang sasabihin
“How?”
“Kailangan natin si Ma’am Guang Fen para paalisin si Jeff sa pwesto”
“E diba wala siyang posisyon ngayon? Paano yan?”
“Wala nga. Pero siya pa rin ang unang may-ari nito. May karapatan pa din siyang magdesisyon kasama natin” paliwanag ni Mr. Chua sa kanila “Iyan ang trabaho ng Chairman Emeritus. Actually nga, kasama pa siya sana natin ngayon dito sa board kung hindi lang siya pinaalis ng Jeff na yon. But don’t worry, may karapatan pa din siya kahit wala siya dito”
“Okay. That’s fine” sagot ng isa pa “If ever nga na mapaalis natin si Mr. Dy sa kanyang pwesto, sino ang papalit sa kanya? Hindi naman siguro pwede si Ma’am Guang Fen dahil matanda na siya”
“Don’t worry. Si Madam Jean ang papalit sa pwesto ni Jeff” sagot ni Mr. Chua “She is the perfect fit for this job. Kung alam niyo lang kung ano talaga siya ka-dedicated sa kanyang trabaho. Hindi kagaya ng Jeff na yan”
“Mr. Chua is right” sabat naman ni Mr. Cruz “Nakita namin siya sa restaurant kasama si Don Rolando. She is very dedicated sa kanyang trabaho at nakikinig lang talaga ang Espanyol sa kanya na parang interesado. Pero yun nga, nakita kami at nawalan na siya nang gana at umalis. I felt sorry for Madam Jean. Nakuha niya na sana ang deal” sambit nito “Kasalanan lahat ng ‘to ni Jeffrey Dy. Kung hindi sa kapabayaan niya, nasa atin nasana ang multi million deal ng Hidalgo Breweries”
“Then… we shall do it” dugtong ng isa pang president “We will expel him from office”
Itutuloy…