CHAPTER 02

1863 Words
DIAMANTINA’S POV “ISANG malaking asteroid ang inaasahang babagsak sa Earth sa susunod na dalawang araw! Ito na nga ba ang katapusan ng sangkatauhan? Ehem! Ehem! Excuse me po! Pinapayuhan ang lahat ng tao na... magsisi na sa lahat ng inyong kasalanan! Magsisi na kayo! Magsisi na tayo—“ Napamaang ako nang biglang kunin ni Tita Purisima ang remote at pinatay ang TV. “Tita? Bakit niyo po pinatay? Can’t you see, watusi, nanonood pa kaya ako. Saka, don’t you hearing sa balita ni Mike Enriquez na may babagsak daw na asteroid dito sa Earth!” sabay tayo ko at agaw ng remote kay Tita Purisima. Pero inagaw niya agad iyon sa akin. “At naniwala ka naman, Diamantina? Kada-taon lagi na lang sinasabi na magugunaw ang mundo pero hindi naman matuloy-tuloy! `Wag mong intindihin `yan. Teka, bakit nanonood ka ng TV? Tapos ka na ba sa paglalaba?” “Of course yes, tita. I am finish na sa laundry. Maisampay ko na nga sa kable ng kuryente, eh.” “Good! Oo nga pala, bukas ay `wag kang lalabas habang nandito ang mga bisita ko bukas. Ayokong malaman nila na may chaka akong pamangkin! Doon ka muna sa basement hangga’t hindi umaalis ang mga bisita ko!” Haaay... `Ayan na naman si Tita Purisima. Talagang hanggang ngayon ay ikinahihiya pa rin niya ako. Ganiyan talaga si Tita, masyadong perfectionist kaya `ayan tuloy, hindi na nakapag-asawa. Ang gusto ba naman ay perpektong lalaki na walang kapintasan. At sa kakahintay na dumating ang perfect guy para sa kanya, eh, tumanda siyang dalaga. Wala namang ganoon, `no! Ilusyon niya lang iyon. “Okey po, tita...” sabi ko na lang pero sa totoo ay nasaktan ako sa pinapagawa niya sa akin. “Teka, sino nga po pala ang bisita niyo bukas?” “Ang high school classmate ko na si Adelaida!” Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Tita Purisima pagkasabi niya ng pangalan na ‘Adelaida’. Parang naging kamukha niya si Manny Pacquiao kapag lumalaban ng boksing. “Sino pong Adelaida?” tanong ko. “Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag-asawa! Ang aking BFF!” “Best friends forever?” “Hindi! Best fake friends!” at umangil pa siya na parang tigreng gutom! RAWR! ASTON’S POV “MOMMY, dapat pa ba nating ituloy ang pagpunta nating ito sa Calamba? Hindi mo ba napanood `yong sa news kanina? May babagsak daw na asteroid dito sa Earth anytime!” sabi ko kay Mommy Ade habang nagda-drive ako ng kotse namin papunta sa Calamba, Laguna. “No, mi unico iho! Wala akong pakialam kahit ang buwan pa ang bumagsak dito sa Earth basta tuloy tayo kay Purisima. Excited na akong ipagmalaki sa kanya ang kayamanan ko! Siyempre, pati na rin ikaw. Dati, palagi niya akong iniingit sa mga ribbon niya na mamahalin. Ngayon, tingnan natin kung sino na ang mas rich sa aming dalawa!” At malakas pa siyang tumawa. Napailing na lang ako sa sinabi ni Mommy Ade. Aminado naman ako na mayabang talaga ang nanay ko pero mas yumabang siya ngayong mayaman na kami. Pero kahit ganiyan `yan, eh, mahal na mahal ko iyan. Hindi naman maikakaila na siya ang nagbigay sa akin ng buhay. Naks! Maya maya ay bigla akong nagtaka nang biglang dumilim ang kapaligiran. Dahil sa pagtataka ko ay sandali ko munang inihinto sa tabi ng kalsada ang kotse. “Hey, unico iho, bakit mo inihinto ang kotse?” tanong ni Mommy Ade at nagsuot siya ng shades na kasing laki yata ng plato. “Eh, bigla po kasing dumilim, eh! Tingnan niyo.” “Sinasabi ko na nga ba, mi unico iho! Sa sobrang bagal mong mag-drive, inabot na tayo ng gabi!” “Mommy, hindi po tayo inabot ng gabi. Seven pa lang ng umaga, oh!” sabay pakita ko sa kanya ng wrist watch ko. “Parang may eclipse na ewan...” Pagkasabi ko noon ay biglang lumiwanag at bumalik na sa normal ang lahat. Hindi ko alam pero talagang kinakabahan ako sa nangyari. Ang weird lang. Wala namang nabalita sa TV na magkakaroon ng eclipse ngayon. Hindi kaya totoo na may babagsak na asteroid dito sa Earth? “`Yan, lumiwanag na naman po!” pakli ko. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o matatakot. Bigla akong hinampas ni Mommy Ade ng pamaypay niya na kulay gold. “`Yan! Inumaga na ulit tayo sa kabagalan mo—“ “`Mommy, ano ba?! Hindi mo ba napansin, dumilim tapos lumiwanag? Ang weird!” “Hindi ko napansin.” Napailing na lang ulit ako at nagpatuloy sa pagda-drive. “Eh, paano niyo mapapansin, eh, naka-shades kayo kahit wala namang araw. Nasa loob ka naman ng kotse,” bulong ko. “May sinasabi ka, mi unico iho?” “Ah, wala po! Sabi ko, bagay sa inyo `yang shades!” “I thank you!” aniya pa. “Mamahalin ito kaya bagay talaga sa akin. Alam mo naman na lahat ng pricey na gamit ay bumabagay sa akin dahil rich ako!” DIAMANTINA’S POV NAGULAT ako nang makita ko ang ayos ni Tita Purisima paglabas niya ng kanyang kwarto. Nagwawalis kasi ako no`n sa may hallway sa second floor. Eh, kahit naman sino ay magugulat sa hitsura niya. Akala mo ay si Imelda Marcos sa buhok niya at suot na Filipiniana costume! Akala mo ay dadalo ng awards night sa MMFF ang peg. Tapos, ngayon ko lang siya nakitang nag-make up at nagpabango ng todo. Ganito ba ka-espesyal ang high school friend niya na si Adelaida? Sabagay, ang sabi nga pala niya ay tatalbugan niya ito. Well, beautiful naman talaga si Tita Purisima kahit laging nakasimangot. “Oh, Diamantina, pagkatapos mong mag-walis diyan ay magtago ka na sa basement at nag-text na sa akin si Ade na paparating na siya. Baka mapagkamalan ka pa nilang bulldog diyan,” sabi niya sa akin. Parang bahay naman ng bubuyog ang buhok ni tita. Ilang hair spray kaya ang naubos niya para ma-achieve ang ganoong hair? “Sige po, tita...” sagot ko. “Teka, nakapagluto ka na ba?” “Opo. Nakaayos na rin po ang mesa at kumuha na rin ako ng pagkain ko.” “Good! O siya, bilisan mo na at baka maabutan ka pa ng bisita ko!” “O-opo!” At nagwalis na ulit ako. Binilisan ko na at kakahiya naman kay Tita Purisima. Kung ikahiya naman niya ako... Ano bang masama sa pagiging panget? Hindi naman ito sakit na nakakahawa, ah. Sabagay, kanya-kanya namang paniniwala iyan. Ano kaya, kung buhay pa kaya ang nanay ko, ikakahiya rin niya kaya ako dahil sa hitsura ko? Haaay... Tama na nga ang drama. Kailangan ko nang matapos ang task kong ito para makapatago na ako sa basement. Okey na rin siguro iyon kasi ligtas ako sa gawaing-bahay! PAGKATAPOS kong magwalis sa second floor ay nagpunta na ako agad sa basement. Yari sa matibay na bato at semento ang basement. Doon kami nagtatago ni tita kapag may bagyo o hindi naman kaya ay lindol dahil safe doon. Doon na rin ako kumain. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Tita Purisima na dalhin dito iyong TV at electric fan ko, kahit papaano ay nalilibang ako at hindi naiinitan. Pero nakaka-curious naman kung ano bang hitsura no`ng kaklase niya dati at narinig ko pa na kasama niyon ang anak niyong lalaki. Ano kayang hitsura ng anak no`ng Adelaida? Gwapo kaya o katulad kong chaka? Bahala na nga sila. Basta ako, i-eenjoy ko na lang ang stay ko dito sa basement! ASTON’S POV SA WAKAS! `Andito na rin kami sa bahay ng high school friend ng Mommy Ade ko na si Tita Purisima. Medyo mabilis lang naman ang biyahe. Ano na lang ba ang layo ng Calamba sa Sta. Rosa, Laguna, `di ba? Bakit kasi kailangang sumama pa ako dito? Tapos one week pa daw kaming mag-i-stay dito. Parusa `yon! Lalo na`t hindi ako makakapag-gym nito. Paano na ang pangarap kong magkaroon ng abs? Kung pwede nga lang na dalhin ko dito ang gym equipments ko, eh. Tsk. Hmm... `Eto pala ang bahay ng BFF ni mommy. Malaki siya at halatang mayaman ang nakatira. Halos kasing-laki rin ng bahay namin sa Sta. Rosa. “Oh, Aston, gusto kong ipagmalaki mo kay Tita Purisima mo ang collection mo ng cars, ha. Pati na iyong mga branded mong damit at sapatos na nabili mo pa sa Lazada at Zalora! `Wag mo nang isama yung gadgets na nabili mo sa OLX at mga secondhand lang naman `yon! Basta, yabangan mo siya ng lahat ng achievements mo sa school gaya no’ng Best in Attendance at award mo noong sumali ka sa folk dance!” sabi ni Mommy Ade sa akin habang naglalakad na kami papunta sa gate. “Ha? Pwede ba, mommy, `wag mo na akong isali sa talbugan niyong dalawa? Kayo lang naman ang magkalaban, `di ba?” ungot ko habang panay ang doorbell niya. “Magtigil ka nga, mi unico iho! Pagbigyan mo na ang abuela mo!” “Anong abuela, mommy? Ang abuela ay lola. Lola ba kita?” Umirap siya sa akin. “Hayaan mo na nga! Ganoon na rin `yon!” At napailing na naman ako. Ilang saglit lang ay isang babae na kasing-edad ni Mommy Ade ang nagbukas ng gate. Tulad ng mommy ko ay naka-Filipiniana rin siya. Hmm, sigurado ako na ito si Tita Purisima. Terno talaga sila, ha. Natatawa tuloy ako ng palihim sa kanilang dalawa. “Adelaida!” masigla at nakangiting sabi Tita Purisima. “Purisima!” sagot naman ni mommy at nagyakapan pa sila. “Long time no see!” sabay pa talaga sila. “Naku, pasok kayo... Tuloy! Tuloy!” Muntik pang madapa si Tita Purisima dahil hindi ito tumitingin sa dinaraanan. Naku, simula na ito ng pagpaplastikan ng dalawang ito. Naaamoy ko! “Siya na ba ang anak mong si Aston?” tanong ni Tita Purisima nang nasa salas na kaming tatlo. “Siya na nga. Ang gwapito, `di ba?” sagot ni Mommy Ade. Nakikinig lang ako sa kanila at pangiti-ngiti. “Manang-mana sa amin ni Ador! Ikaw, talaga bang hindi ka na nakapag-asawa, Purisima? Talagang hindi ka na naka-move on kay Ador ko, ano?” “Hindi na, Adelaida. Ang ibig kong sabihin ay hindi na ako nag-asawa pa. Kung hindi mo sana inagaw sa akin si Ador, sana ay may asawa na ako!” Halatang fake ang ngiti ni Tita Purisima. Halatang may kinikimkim na galit. Malakas na hinampas ni mommy sa likod si Tita Purisima. “Ikaw naman, Purisima! Past is past! Move on move on din kapag may time!” sabay tawa. Natahimik silang dalawa saglit at fake na tumawa. Tumayo sila at nagyakapan habang tumatawa. “Joke lang, Adelaida!” “Alam ko, Purisima!” Halos pigain na nilang dalawa ang isa’t isa sa higpit ng yakapan nila. Hindi pa sana sila maghihiwalay kung hindi pa sila nagkukulay ube. Napa-face palm na lang ako sa kanila. Mas gusto ko pang mag-gym maghapon para magkaroon ng abs kesa sa panoorin nag plastikan nila. Mga babae talaga, oh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD