DIAMANTINA’S POV “OH, anong nginingisi-ngisi mo diyan?” Medyo naiiritang tanong ko kay Aston nang mahuli ko siyang nakatingin siya sa akin habang tila nakakalokong nakangisi. Nakakainsulto kasi iyong paraan ng tingin at ngisi niya. Parang bang lagi niya akong nilalait. Nasa tabi kami ng isang kalye habang kumakain ng tinapay at juice na nakuha namin sa nagibang convenience store. Kami lang dalawa ni Aston ang naroon. Nasa convenience store pa rin kasi sina Theo at Kiko. Naghahakot sila ng mga pagkain na babaunin namin sa aming paglalakbay. Isang paglalakbay na hindi namin alam kung saan ba ang aming paroroonan. Wow, lalim no’n, ah! “Eh, nakakatawa kasi `yang mukha mo!” aniya. Ah, so, gusto pala nitong makipag-asaran. “Baka naman nagkakagusto ka na rin sa akin tulad nina Theo at Kiko.

