THIRD PERSON POV Nagbunyi ang kalooban ni Riza nang malamang ipina-cancel muna ni Raquel ang pakikipag-meet nito at ng asawa nitong si Hector sa ina ng boyfriend ng kanyang pamangking si Margie rahil tutulong daw ang kanyang kapatid sa pag-aasikaso sa pagpapalibing sa isa sa mga empleyado ng kanilang kompanya. May oras pa siya para mapigilan ang muling paghaharap ni Hector at ng kanyang kaibigang si Dorothy. Dahil pumalpak ang plano ni Riza na maakit ang boyfriend ni Margie na si Ethan para sana palabasing hindi seryoso ang lalaki sa pakikipagrelasyon sa kanyang pamangkin, kinakailangan ni Riza na makaisip ng bagong plano kung paanong masisira ang relasyon nina Margie at Ethan para hindi na maugnay pa ang kanyang kaibigang si Dorothy sa lalaking dating nanakit dito hindi lamang isang bes

