LEXY's POV
Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwartong pinagdalhan sa akin nina Tito Hector at Tita Riza. Akma na akong sisigaw nang mabilis na tinakpan ni Tito Hector ang aking bibig gamit ang kanyang kanang kamay. Binitiwan ako ni Tita Riza at ipinulupot ni Tito Hector ang kanyang kaliwang bisig sa katawan ko para hindi ako makapagpumiglas. Lumapit si Tita Riza sa may pinto.
Riza: Sino 'yan?
Narinig kong nagsalita mula sa labas ng pinto si Margie.
Margie: Tita Riza, ikaw pala 'yan. Hinahanap ko si Ethan. Hindi ko kasi siya makita.
Nakita kong napangisi si Tita Riza at tumingin sa akin.
Riza: Ah. Hindi, eh. Naku bantayan mo 'yang boyfriend mo, Margie. Baka kung sinu-sinong babae ang hinaharot kapag nakatalikod ka?
Narinig kong tumawa ang best friend ko.
Margie: Hindi po 'yon magagawa ni Ethan, Tita. Loyal po siya sa akin. Ano nga po palang ginagawa niyo riyan sa loob?
Nakita kong naging malikot ang mga mata ni Tita Riza.
Riza: Ah, eh, na-nasira 'yong isang parte ng dress ko. Nireremedyohan ko kung kaya pa. Sige na, Margie. Hanapin mo na ang boyfriend mo.
Margie: Hindi niyo po ba kailangan ng tulong?
Sinubukan kong magpumiglas pero parang bakal ang bisig ni Tito Hector na nakapulupot sa akin. Nakatakip pa rin ang kanyang kanang kamay sa aking bibig.
Riza: Ah, hindi. O-okay lang ako. Lalabas na rin ako mamaya, Margie.
Margie: If you say so. Sige po, Tita.
Narinig ko ang papalayong yabag ni Margie. Hindi pwede 'to. Kailangang makaalis ako rito.
----------
ETHAN's POV
Muli kong binasa ng tubig ang aking mukha para mawala ang init sa aking sistema. Mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili sa pagpapadala sa panunukso ni Tita Riza. Kailangan ko ng maging loyal sa girlfriend ko. Kailangan kong lumayo sa kahit anong tukso.
Kahit kay Lexy ay kailangan ko na rin sigurong lumayo. Nitong mga nakalipas na araw ay hindi mawala sa sistema ko 'yong naramdaman ko noong magdampi ang mga labi namin. Akala ko ay nai-in love na ako rito. Pero noong nalaman kong may ibang lalaking gustong pumorma kay Margie ay nakaramdam ako ng selos. Doon ko napatunayang si Margie pa rin ang mahal ko at attracted lang ako kay Lexy dahil maganda ang best friend ng girlfriend ko.
Muli kong tinitigan ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo at pagkatapos ay lumabas para puntahan si Margie nang may mabunggo ako pagkalabas ko ng banyo. Muntik nang matumba sa sahig ang lalaki kung hindi ko siya naagapang saluhin.
Si Mikel.
Nagtama sandali ang aming mga mata bago ko siya naitayo. May napansin ako sa mga titig niya sa akin na agad ding nawala. Baka imahinasyon ko lang?
Mikel: I-I'm sorry.
Nakita kong namumula ang mga pisngi ni Mikel.
Ethan: Okay lang. Wala bang masakit sa 'yo?
Hinawakan ko ang kanang braso niya na mabilis niyang iniwas.
Mikel: Don't touch me!
Medyo napataas ang boses niya sa akin.
Ethan: Mikel…okay ka lang ba? Alam mo noong isang araw parang nakita kita pero hindi ako siguradong ikaw 'yon dahil naka-makeup 'yong nakita ko. Kaso…
Biglang nagsalita si Mikel.
Mikel: Hindi ako 'yon.
Nakita kong medyo tumalim ang titig sa akin ni Mikel. Sandali lang 'yon na napalitan din ng ngiti. Pero malakas ang kutob kong nagsisinungaling siya.
Mikel: Wait. May tubig ka sa gilid ng labi mo.
Nabigla ako sa sinabi ni Mikel. Akma ko sanang pupunasan ang gilid ng labi ko nang biglang punasan niya ang butil ng tubig sa aking mukha gamit ang kanyang daliri. Nakaramdam ako ng kakaiba sa paghaplos niya. Parang napakasenswal ng ginawa niyang pagpunas na parang umabot pa sa aking ibabang labi.
Nabigla ako sa ginawa ni Mikel pero parang wala lang sa kanya. Nakita kong ngumiti siya na parang napagbigyan sa kanyang hiling habang nakatingin sa kanyang daliri na naglandas sa aking mukha. Tumalikod na si Mikel at habang naglalakad siya ay napansin kong isinubo niya sa kanyang bibig ang daliri niyang dumampi sa aking labi.
Nanlaki ang aking mga mata.
Hindi! Nagkakamali ako sa iniisip ko!
----------
LEXY's POV
Inalis na ni Tito Hector ang kanyang bisig na nakapalibot sa aking katawan at tinanggal na rin niya ang kanyang kanang kamay mula sa pagkakatakip sa aking bibig. Marahas niya akong itinulak pahiga sa sahig.
Riza: Tama na 'yan, Hector! Lumabas na tayo. Baka kung sino pa ang makakita sa atin dito? Sapat naman na siguro ang ginawa natin sa babaeng 'yan para magtino siya. Matatakot na 'yang kalabanin tayo.
Nakita ko ang panganib na nakabadya sa mga mata ni Tita Riza habang nakatingin sa akin. Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko at dinuraan ako sa mukha ni Tita Riza.
Riza: Diyan ka nababagay, Lexy. Nasa ibaba habang nakatingala sa amin ni Hector. Kung ayaw mong masaktan, matuto kang makisama at huwag na huwag mo kaming pinapakialaman. Maliwanag ba?!
Hindi ako sumagot kaya naramdaman kong sinipa ako sa tagiliran ni Tita Riza.
Riza: Sagot!
Kahit anong pigil ko ay tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata at mabagal akong tumango.
Lexy: O-opo.
Riza: Good. Let's go, Hector.
Nakita kong lumabas na ng kwarto ang magkalaguyo bago ko itinayo ang aking sarili mula sa pagkakahiga. Sumasakit ang katawan ko. Awang-awa ako sa sarili ko habang hindi ko mapigilan ang pag-uunahan ng mga luha kong naglalandas sa aking pisngi.
Naikuyom ko ang aking dalawang kamao. Hindi ako papayag na matapos lang sa ganito ang lahat. Hindi ako kailangang magpatalo sa galit. Lalabanan ko silang dalawa.
----------
ETHAN's POV
Hinahanap ko si Margie nang biglang makita kong papalabas mula sa isang kwarto si Lexy. Nagulat ako sa ayos niya. Para siyang sinabunutan sa gulo ng buhok niya at parang nagulo na ang suot niya rahil halos mahubad na ito sa kanyang katawan.
Ethan: Lexy, ayos ka lang?
Napatingin sa akin si Lexy. Kitang-kita ko ang natuyong mga luha sa kanyang mga mata. Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala sa kanya. Ilang sandali lang ay naramdaman kong nakayakap na sa akin si Lexy. Humahagulgol ito sa aking dibdib. Lumingon-lingon ako sa paligid para tingnan kung nasa paligid lang si Margie. Nang masiguro kong wala ay gumanti ako ng yakap kay Lexy dahil nararamdaman kong kailangan niya ng karamay ngayon.
Bumulong ako sa kanya.
Ethan: Sige lang, Lexy. Ilabas mo lang 'yan. Handa akong makinig sa 'yo.
Tumingala sa akin si Lexy. Punung-puno na ng mga luha ang kanyang mukha. Parang gusto ko siyang halikan at sabihin sa kanyang magiging maayos din ang lahat.
Ethan: Lexy…
Nakita kong papalapit na nang papalapit ang mga labi namin sa isa't isa. Para akong nahihipnotismo habang nakatitig sa mga labi niya. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa aking mukha nang bigla siyang magsalita.
Lexy: Get me out of here, Ethan. Ilayo mo ako rito.
Nasa boses ni Lexy ang pagmamakaawa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinatak ko si Lexy palayo sa lugar na 'yon. Hindi ko na inisip kung may makakakita man sa gagawin naming pag-alis. Sandali akong nakalimot sa mga bagay-bagay. Ang mahalaga lang sa akin ay mailayo si Lexy sa lugar na 'yon. Walang ibang makatutulong sa kanya ng mga oras na 'yon kundi ako.
Kailangan ako ni Lexy.
Sinabi niyang huwag ko siyang iuwi sa bahay nila. Naisipan kong dalhin siya sa bahay namin pero tumanggi siya. Dinala ko siya sa isang motel. Doon ay nagmakaawa siyang samahan ko siya buong magdamag.
Pagkapasok namin sa loob ng isang kwarto ay mabilis akong niyakap ng mahigpit ni Lexy.
Lexy: Ethan… Gusto kong makalimot. Tulungan mo akong makalimot.
Tumingala sa akin si Lexy at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pinaghalong lungkot at pagmamakaawa.
Lexy: Angkinin mo ako ngayong gabi, Ethan…
----------
itutuloy…