ETHAN's POV Masakit ang aking ulo nang magising ako kinabukasan. Parang wala akong ganang pumasok ng university, pero naisip kong kailangan naming magkita at mag-usap ni Margie. Kagabi ay nagkasala ako kay Margie at nakipagtalik sa kanyang best friend na si Lexy. Na-guilty ako sa aking ginawa pagkatapos naming magtalik ni Lexy. Kinakain ako ng aking guilt sa kaisipang pinagtaksilan ko ang aking girlfriend kasama pa mismo ang kanyang best friend. Paniguradong masasaktan si Margie oras na kanyang malaman ang nangyari kagabi. Alam kong nangako kami ni Lexy sa isa't isa na hindi malalaman ni Margie ang nangyari sa pagitan naming dalawa pero ang problema ay kinakain ako ng aking konsensya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Margie knowing sa aking sarili na ako ay nagkasala sa kanya.

