MIKEL's POV Nakangiti akong nagpasalamat kay Ethan matapos niyang gamutin ang aking mga sugat at pasa sa aking mukha at katawan. Nagpasalamat din ako kay Ethan dahil iniligtas niya ako mula sa pananakit sa akin ng aking boyfriend na si Clint. Boyfriend. Masasabi ko bang maswerte ako rahil parehong may boyfriend at girlfriend ako? Sa tingin ko ay hindi. Bata pa lamang ako nang maramdaman kong may kakaiba sa akin kumpara sa iba kong mga kakilalang batang lalaki. Naaalala ko pa kung paano kong pagmasdan ang aking kapatid na si Margie noong mga bata pa kami habang naglalaro ito ng mga manika nito at iba pang laruang pambabae. Iniisip ko noon na sana ay bilhan din ako nina Daddy Hector at Mommy Raquel ng manika at dollhouse para pwede rin akong maglaro ng ganoon sa loob ng aking kwarto.

