LEXY's POV
Argh! Kainis! Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko pa naman nag-kiss na kami ni Tito Hector. Nakakaasar!
Pero para talagang totoo. Damang-dama ko ang mga labi niya sa labi ko. Argh!
Anong oras na ba at parang napakahaba ng panaginip ko? Pati 'yong tungkol sa sikat na club ay panaginip lang at hindi rin kami nag-date ng boyfriend ko. Nakakapang-init ng ulo!
Pagtingin ko sa aking alarm clock ay nakita kong hapon na pala. Hay…
Oh my gosh… Kumukulo na ang tiyan ko. Makakain na nga. Pero hindi na ko kakain ng kanin. Magme-merienda na lang ako sa pinakamalapit na convenience store.
Pagkatapos kong maligo ay nagpaalam ako sa mga magulang ko na pupunta ng convenience store. Since malapit lang naman ay lalakarin ko na lang. Makakapag-exercise pa ako.
Si Joshua 'yon, ah. As usual, mag-isa na naman siya sa park at nakakunot ang noo. Oo nga pala. Si Joshua ay kinakapatid ko. Ninong niya si Papa. Kahit kinakapatid ko siya ay hindi ko siya close. Suplado kasi. Laging magkasalubong 'yong mga kilay niya. Mukhang monster. Parang may sariling mundo.
Tiningnan ko siya ulit. 'Yong ibang girls sa park ay halatang nagpapapansin sa kanya. Pero deadma lang siya. Nakapikit habang naka-earphone at nakikinig ng music sa cellphone niya. Ganyan siya. Deadma sa lahat ng bagay. Pero gwapo naman talaga. Suplado nga lang.
Araaaaay!
Ang sakit, ah. Bumunggo lang naman ako sa poste. Shocks! 'Yong dibdib ko. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Nakakahiya. May nakakita ba?
Lumingon-lingon ako sa paligid. Mukha namang safe ako hanggang mapatingin ako kay Joshua. Fudge! Nakatingin siya sa akin. Paniguradong aanga-anga na naman ang tingin niya sa akin. Kainis!
Mga ilang minuto lang ay nasa convenience store na ako at sinimulang kainin ang in-order kong food.
Pwe! Ang pangit ng lasa!
Napatingin sa akin lahat ng kumakain sa convenience store na iyon. Hindi rahil maganda ako, kundi rahil idinura ko ang doughnut na kinakain ko. Ang pangit naman kasi talaga ng lasa. Bakit ko pa kasi ito binili? Sana nag-stick na lang ako sa favorite flavor ko. May experiment-experiment pa akong nalalaman.
Lexy: Okay na po. Tapos na po ang show. Lilinisin ko na lang 'yong mga idinura ko. Mga chismoso!
Inirapan ko silang lahat. Akala mo naman big deal ang ginawa ko. Nakakasuka naman talaga ang lasa.
Junk food na nga lang ang kakainin ko. Masarap pa.
Hmmm… Alin kaya rito? Pili. Pili. Pili.
Lilipat na sana ako sa kabilang rack nang paglingon ko ay may nakaharang sa daraanan ko. Pag-angat ko ng ulo ay si Mr. Suplado pala. Tumitingin-tingin din siya ng mga junk foods. Parang wala itong nakikita sa paligid habang binubusisi ang bawat junk food na makita. Tinitingnan niya siguro ang expiry date. Hanep!
Nang makapili na ako ng kakainin ay bumalik na ako sa aking table na in-occupy ko kanina. Puno na ang convenience store. Taimtim akong nagba-browse sa aking social media accounts nang may maramdaman akong presensya sa harap ko. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at BOOM! May naki-table sa akin at umupo sa tapat ko.
Si Joshua aka Mr. Suplado!
Ice cream pala ang binili niya. Magkasalubong ang kilay niya habang nilalantakan niya ang ice cream. Take note, 'yong half gallon at may baon siyang spoon. Sunud-sunod ang subo niya. Buti natutunawan siya sa ginagawa niya. In fairness kay kumag, gwapo talaga siya. I'm sure kapag sinanay niya ang sariling ngumiti at paghiwalayin ang dalawa niyang kilay, mas marami pang magkakagusto sa kanya.
Nag-wave ako sa harap niya. Deadma lang. Kinalampag ko pa ang table, deadma pa rin. Hanggang sinipa ko ang binti niya sa ilalim ng mesa.
Joshua: Awww!!!
Napatingin ako sa mga chismosong naroon at ang lahat ay nakatingin kay Mr. Suplado. Umismid ako sa kanya. Tinanggal niya ang earphone sa kanyang tainga at hinarap ako.
Joshua: Ano bang problema mo?
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya at obvious na hinihimas niya ang nasaktan niyang binti sa ilalim.
Lexy: Ikaw ang problema ko. P*ste. Dini-deadma mo ako. Huwag mo akong itulad sa mga babaeng nagkakagusto sa 'yo. Hindi kita type.
Joshua: Ang dami mong sinasabi.
Lexy: Kumusta ka na ba, kinakapatid ko?
Bumalik na siya sa pagkain niya ng ice cream.
Joshua: Ayos lang.
Lexy: Single ka pa rin?
Tumingin siya sa akin ng matalim.
Joshua: Paki mo ba?
Lexy: Curious lang ako. Ang gwapo-gwapo mo tapos wala kang girlfriend. OMG! Don't tell me…sirena ka?
Biglang lumipad ang kutsarang hawak niya na nailagan ko naman agad. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.
Lexy: Bakit ka nambabato?!
Joshua: Ang daldal kasi ng bibig mo!
Lexy: It still doesn't give you the right to throw something at me. Idiot!
Joshua: Slut!
Nabigla ako sa itinawag niya sa akin at tumingin sa mga tao sa paligid. Nasa amin na ang buong atensyon ng lahat.
Lexy: How dare you!
Joshua: Did I hit home?
Napatayo ako sa aking upuan at mabilis na hinampas ang gallon ng ice cream sa mukha niya.
Joshua: What the f---
Kumalat ang ice cream sa damit niya at lalong nagsalubong ang kilay niya.
Lexy: Serves you right.
Hinubad niya ang suot niyang T-shirt at hinampas sa mukha ko. Nagtilian naman ang ibang dalaga sa convenience store nang makita ang maganda niyang pangangatawan. In fairness kay Mr. Suplado, maganda ang built ng katawan.
Pinulot ko ang T-shirt niya mula sa sahig at pinaikot-ikot sa daliri ko. Naniningkit ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kanya. Sa kayabangan nito ay kailangang makahanap ito ng katapat. At ako ang magiging katapat niya.
Joshua: Ano, ha? Puro ka lang salita.
Nakangisi siya sa akin habang pinapaikot ko ang kanyang damit. Sa mukha ko siya nakatingin nang bigla kong patalsikin sa mukha niya ang damit niya. Dahil sa bilis ng pag-ikot ko sa aking daliri ng damit niya at ilang beses kong pag-ikot nito ay malakas ang pwersa nang tumalsik sa mukha niya ang kanyang damit. Sapul sa mata. Tinakpan niya ang mata niyang tinamaan at malakas na humiyaw.
Nagpalakpakan ang ibang chismoso nang makitang napapahiyaw si Joshua sa sobrang sakit ng mata.
Lexy: Mayabang!
Nagmamadali akong lumabas ng convenience store.
Nag-text sa akin si Margie. Pinapupunta ako sa bahay nila. May kainan na naman dahil nandoon ngayon ang Tita Riza niya at binisita sila. Kaso wala akong gana kaya nag-decline ako. Sunod na nag-text si Mikel. Nagpumilit siya, pero hindi niya ko napilit. Siya na lang daw ang bibisita sa akin. Kinilig naman ako ng kaunti.
----------
THIRD PERSON POV
Nagsha-shower ang isang lalaki nang maramdaman niyang may pumalibot na pares ng bisig sa kanyang baywang.
Lalaki: Are you sure, hon? While showering?
Babae: Yes, baby.
Nang marinig ang boses ng babae ay marahas na napalingon ang lalaki.
Lalaki: What are you doing here?
Babae: Busy lahat sa ibaba. We still have time for a quick fun.
Napailing ang lalaki, pero pinasadahan ng tingin ang hubad na seksing katawan ng babae. Nabuhayan ang alaga niya.
Babae: Dessert?
Lalaki: Kanina pa nga ako gutom.
Mabilis na dinaluhong ng lalaki ang labi ng babae at nagpatuloy ito sa umaatikabong laplapan. Magaling humalik ang lalaki na nagpaungol sa babae. Dila sa dila. Laway sa laway. Pinisil ng lalaki ang maumbok na dibdib ng babae. Umaalpas ito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Kaysarap pisil-pisilin. Napaungol ang babae.
Babae: Iba ka talaga… Ang sarap mo…
----------
itutuloy...