THIRD PERSON POV Hindi alam ni Lexy kung ano ang mararamdaman para sa kanyang boyfriend na si Mikel ngayon. Matapos malaman ni Lexy mula sa schoolmate na si Clint ang katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ng kanyang boyfriend na si Mikel ay sobrang nasaktan si Lexy. Naisip ni Lexy na maaaring niligawan siya ng kapatid ng kanyang best friend para pagtakpan ang tunay nitong pagkatao. Hindi lubos maisip ni Lexy na ang buong relasyon nila ni Mikel ay isa lamang palang kasinungalingan. Ang nakikitang Mikel ni Lexy sa tuwing magkasama silang magkasintahan ay isa lamang palang pagpapanggap. Ang nakikitang Mikel ni Lexy sa tuwing kumakain sila sa labas, sa tuwing nanonood sila ng movie, at sa tuwing sila ay namamasyal ay isa lamang palang huwad na Mikel. Dahil ang totoong pagkatao ni Mik

