LEXY's POV
Nitong mga nakalipas na araw ay marami ang mga nangyari sa buhay ng mga tao sa paligid ko. Tuluyan nang bumuti ang pakiramdam ni Margie. Pero iniisip niya pa rin kung ano talaga ang nangyari sa kanya noong gabing nagsuka siya. Mas lalo na silang nagiging sweet ni Ethan na siyang ikinaseselos ko.
Yes. Tinanggap ko na sa sarili kong attracted ako kay Ethan. Habang lumilipas ang mga araw ay napapaisip ako kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang relasyon namin ni Mikel. Nandoon pa rin naman ang care ko para sa boyfriend ko, pero hindi na ako sigurado kung mahal ko pa rin siya.
Ayaw kong maging unfair kay Mikel because he deserves the best. Napakabait niyang tao kung sasaktan ko lang siya. Pero hindi ko rin sigurado kung ang attraction ko kay Ethan ay may halong pag-ibig. Ayaw kong magsisi sa huli kung kailan pinakawalan ko na si Mikel.
Paano kung libog lang itong nararamdaman ko para kay Ethan? Dahil nitong mga nakalipas na araw ay hindi pa rin naman nawawala ang libog ko sa katawan. Malibog pa rin akong babae. Pero alam ko sa sarili kong ayaw kong gawin ang pakikipagtalik kasama ang boyfriend ko. Gusto ko 'yong may challenge. 'Yong may thrill. Alam kong isang lalaking taken ang makapagbibigay sa akin niyon.
At taken si Ethan. Malamang siya ang thrill na hinahanap ng katawan ko. Pero hindi pa rin tuluyang nawawala sa isip ko ang ama ng boyfriend ko. Si Tito Hector.
Ang problema lang ay hindi na kami nagkikita ni Tito Hector nitong mga nakalipas na araw. Hindi ko na rin sinubukang tawagan siya. Pero alam ko sa sarili kong isa pa ring potential mate si Tito Hector pagdating sa init na hinahanap ko sa kama. Kapag naiisip ko siya ay nandoon pa rin ang thrill na bumabalot sa buong sistema ko.
Nalilibugan pa rin ako sa kanya.
Nasa malalim akong pag-iisip nang kumatok sa bukas na pinto ng kwarto ko ang pinsan ko. Si Bert.
Lexy: Yes?
Bert: Itatanong ko lang kung gusto mong sumama sa akin kina Joshua.
Napakunot ang aking noo.
Lexy: Bakit? Anong meron?
Bert: Birthday ng kababata natin. Nakalimutan mo na ba?
Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga.
Lexy: Shocks! Oo nga pala. Sige. Mauna ka na. Pakisabi kay Joshua na susunod ako.
Bert: Okay. No problem.
At umalis na nga si Bert para dumalo sa kaarawan ni Joshua. Grabe. Nakalimutan ko na ang birthday ng kinakapatid ko.
----------
Sa bahay ng pamilya ni Joshua ay marami ang bisita ng kinakapatid ko. Nandito halos lahat ng college classmates niya. Maraming familiar faces at marami ring ngayon ko lang nakita.
Hinahanap ng mata ko si Bert, pero hindi ko siya makita. Nang bigla ay mahagip ng tingin ko ang birthday celebrant sa isang sulok ng hardin. Hindi ito nag-iisa. May kausap itong babae.
Oh. Wait. Si Tita Riza ba ito? Hindi pa kami nagkakakilala ng personal ng babaeng ito, pero kilala ko siya rahil sa mga larawan na nasa photo albums sa bahay nila Margie. Base sa kwento ni Margie ay wala akong tiwala sa kanya.
Lumapit pa ako ng kaunti bago ko nakumpirmang si Tita Riza nga ang babaeng kausap ni Joshua. Pero, bakit siya nandito? Magkakilala ba sila ng kababata ko? Paano? Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Tita Riza at umuuwi lang siya ng Pilipinas kapag gusto niyang magbakasyon para makasama si Tita Raquel at ang pamilya nito.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa loob ng pouch ko at nagtago sa pinakamalapit na pader. In-open ko ang aking camera at pinindot ang video icon. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, pero mukhang seryoso ito base na rin sa hitsura ng dalawa. Gagamitin ko lang naman itong bala kung saka-sakaling kailanganin ko sa mga susunod na araw. Mas mabuti na ang handa.
"What are you doing, Lexy?"
Shemay! Kilala ko ang boses na 'yon. Si…si Tito Hector.
Kasabay nang paglingon ko ay ang paghablot nito sa cellphone ko. Hindi nag-save ang video. Akma kong aagawin ang cellphone ko nang marinig ko ang boses ni Joshua.
Joshua: Lexy?
Napalingon ako kay Joshua. Mag-isa na lang ito. Wala na si Tita Riza. Nagpalinga-linga ako. Hindi ko na makita ni anino ni Tita Riza.
Lexy: Joshua?
Naguguluhan ako sa mga nangyayari.
Joshua: Yes. I'm Joshua.
Naguguluhan na tinitigan ako ni Joshua.
Joshua: Teka. Ano bang nangyayari rito, Lexy?
Tumingin si Joshua kay Tito Hector.
Hector: Hijo, you have nothing to worry about. Nalaglag lang ng magandang binibini itong cellphone niya. Iniaabot ko lang naman. Hija?
Mabilis kong hinablot mula sa palad ni Tito Hector ang cellphone ko. Wala na ang ni-record ko. Matalim ang titig ko sa kanya na ginantihan niya lang ng isang nakakalokong ngisi.
Halos mabasag ang ngipin ko sa pagsagot ko sa kanya. Nanggigigil ako.
Lexy: Thank you, Tito Hector.
Nakangisi pa rin ang hinayupak. Gusto ko siyang suntukin sa mukha nang mabura ang nakakainis niyang ngisi.
Joshua: Tito Hector? Oh, fudge! Kayo po ang Daddy ni Margie?
Hector: Yes, hijo. My daughter is waiting for you inside. Hindi ka namin makita sa loob kaya hinanap kita sa paligid. Nagkataon namang nandito rin pala ang best friend ng anak ko.
Umismid ako sa kanya.
Inilahad ni Joshua ang kamay niya sa harap ni Tito Hector.
Joshua: I'm Joshua, Sir. Joshua Dela Cruz. Nice meeting you po.
Nag-handshake ang dalawang lalaki sa harapan ko.
Hector: Nice meeting you, hijo. These past few days ay lagi kang naikukwento sa amin ni Margie. Mabait ka raw. Kaya naman sinamahan ko siya rito para um-attend sa birthday mo. Maaari mo na ba akong samahan na balikan ang anak ko? Bigyan mo na rin ako ng maiinom.
Joshua: My pleasure, Sir.
Naiwan na lang akong nag-iisa rito sa garden nang pumasok na sa loob ng bahay sina Joshua at Tito Hector.
Close na sina Joshua at Margie? Paano nangyari 'yon?
At ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kausap ni Joshua si Tita Riza kanina. Sigurado ako sa nakita ko. Nandito si Tita Riza kanina.
----------
Kanina pa ako umiikot dito sa buong bahay nina Joshua, pero hindi ko pa rin makita si Tita Riza. At kanina ko pa rin napapansin na kanina pa magkausap ang best friend ko at si Joshua.
"Lexy, are you okay?"
Nasa likod ko na pala ang best friend ko.
Lexy: Hindi ko alam na close na pala kayo ng kababata ko.
Napayuko siya.
Margie: I'm sorry, Lexy. Madalas kasi kaming magkasama ni Ethan at laging nawawala sa isip ko na ikwento sa 'yo.
Lexy: Alam ba ni Ethan?
Medyo may halong pagdududa ang boses ko. Tumingin sa akin si Margie nang medyo naguguluhan.
Margie: Y-yes. Why, Lexy? Iniisip mo ba na magtataksil ako sa boyfriend ko?
May halong pagtatampo ang boses niya. Yumuko ako.
Lexy: I'm sorry.
Margie: Ethan is actually happy na dumarami na ang friends ko, Lexy. Sana maging happy ka rin for me.
'Yon lang at tumalikod na si Margie.
Susundan ko sana siya nang mag-ring ang phone ko.
It's Tito Hector.
Bakit kaya siya tumatawag?
----------
THIRD PERSON POV
Sa loob ng kotse ni Hector ay kasama niya si Riza at hinihintay nilang sagutin ni Lexy ang tawag niya.
Hector: Come on, Lexy. Answer the phone.
Riza: You're just wasting your time, babe.
Pinaglalandas ni Riza ang hintuturo sa kanang tainga ni Hector. Hinawakan ni Hector ang daliri ni Riza at isinubo sa kanyang bibig at kinagat. Umungol si Riza.
Hector: Mas mabuti na ang sigurado, babe. Walang sinuman ang dapat na sumira sa mga plano natin.
----------
itutuloy...