Tiger 1

703 Words
1 "ISA PA!!!" Napahawak na ako sa tuhod ko sa sobrang hingal.. Grabe. Mauubusan na yata ako ng hininga. Pero para sa pangarap kailangan kong tiisin to. Kailangan naming tiisin to. "KAYA NATIN TO GUYS!!"-Carlo Pumunta na kami sa formation namin at inulit ang sayaw. Nasa harapan namin sila Manager Henry at Manager Tyrone, dalawa sa pinakamataas sa company namin.. Habang sumasayaw,napapatingin ako sa ibang members. Halata na sa kanila ang pagod at hingal. Yung mga pawis nila akala mo binuhusan sila ng isang timbang tubig sa katawan. Pagkatapos ng tugtog,napahiga nalang ako sa sobrang pagod. Walang nagsasalita sa amin. Lahat kami naghahabol ng hininga. Hanggang sa nakarinig kami ng palakpak. Napatingin kaming lahat sa taong pumapalakpak ngayon. At nung nakita namin si Manager Wally,ang pinakamataas sa company,kahit mga nanlalambot pa ang mga tuhod namin ay pinilit talaga naming tumayo. "MAGANDANG GABI PO MANAGER WALLY!!" Unti unti siyang lumapit sa amin. "Mukhang ready na talaga kayong mag debut."-Manager Wally Lahat ng pagod,lahat ng hingal, napalitan ng ngiti sa amin. "Kanina ko pa kayo pimapanood dun sa gilid. Hindi niyo na ako napansin dahil nakafocus kayong lahat sa sayaw ninyo. At talagang napahanga niyo ako."-Manager Wally "SALAMAT PO SIR!!"-kaming lahat "O sige na. Magpahinga na muna kayo. Bukas magready na kayo at baka may magpunta nang mga medias dito.Good job everyone!"-Manager Wally. Nagpasalamat kami ulit at naglakad na nga siya papalabas ng practice room namin. "Grabe KC gigil na gigil ka kanina ah."-Manager Tyrone Pinapanood nila ngayon yung sayaw na nirecord namin kanina. Natawa nalang tuloy ako. "Pero totoo ang sinabi ni Sir Wally guys, ang galing niyo. "-Manager Henry "Baka naman ilibre niyo pa kami ng dinner niyan Manager. "-Sky "Gusto niyo ba?"-Manager Henry "Opo naman! Uhaw na uhaw na nga kami baka naman ehem coke..."-DJ "Yung pawis namin Manager nangangailangan na talaga ng coke."-ako "Sus! Mga batang to. Hanz! Bumili ka nga ng coke dyan sa 7/11. Bumili kana rin ng mga tinapay o kung ano gusto niyo."-Manager Tyrone "Sama ako!!"-ako "Oy KC tumigil ka."-Jayvee "Di ka pwede anong oras na oh!"-Maynard "Baka mamaya may makasalubong pa kayong bumastos sayo."-Choi Ayst. Eto na naman po yung pagiging OA nila. Ganyan sila e porke ako lang ang babae sa grupo. "Oo na oo na!Psh." "Ibibili kana lang namin ng ice cream ate KC."-Dan Nag-heart finger naman ako kay Dan. Maaasahan talaga tong bunso namin e. Pagkaalis nila, nagkwentuhan lang muna kami at yung iba nagbabasa ng mga comments dun sa page namin. Bakit may babae silang kasama? Back up dancer ba siya?? Ang astig!!! Napabuntong hininga naman ako. Ayan talaga ang isa sa mga iniisip ko e. "Hoy KC wag kang umarte dyan di bagay sayo."-Joshua "Heh! Tigilan mo ko." Isa sa mga dakilang kaaway ko tong si Joshua e. Pero nahahalata niya agad ako kapag malungkot ako. "Wag mong pansinin yung mga ganung comments KC. Umpisa palang yan. Kapag sumikat pa kayo may mas matindi pa dyan."-Manager Henry "At saka magaling ka. Bagay ka sa grupo at hindi ka back up. Hahahaha."-Manager Tyrone Natawa naman ako sa sinabi ni Manager Tyrone. "13 magtatanggol sayo. Ay hindi pala. 16 kasama kami nila Manager Tyrone at Sir Wally. Favorite ka kaya ni Sir Wally kaya hindi nun hahayaan na masaktan ka. "-Manager Henry "Kaya nga e Manager. Minsan nakakapagtampo rin si Manager Wally-----"-Sky "Nakarecord yan Sky."-Jayvee "--pero bilib talaga ako sa kanya idol ko yun e.."-Sky "Sira ka talaga. " Tama. Marami silang magtatanggol sakin kung sakali. Kaya wag kang matakot KC. Maya maya bumalik na rin sila Dan.. Pero mukha silang takot na takot. Lalo si Hanz. "Hoy bakit ganyan mga mukha ninyo?"-Manager Tyrone Binaba muna nila yung mga pinamili nila. Tapos si Dan tumabi sakin. Namumutla siya. "M-may nakasalubong po kasi kaming matandang babae. Una po nanghihingi siya ng pagkain,kaya binigyan namin siya ni Kuya Hanz ng tinapay,pero nung bigla niya pong hinawakan yung kamay ni Kuya Hanz, may sinabi po siya samin."tapos napatingin si Dan kay Hanz, kaya hinitay namin si Hanz na magsalita. At lahat kami kinilabutan sa sinabi niya. "Magiging sikat daw tayo. Makikilala tayo sa buong mundo. Pero magkakaroon daw tayo ng isang malaking issue na susukat sa pagkakaibigan natin. " Hanggang sa unti unti......si Hanz...... Naging tigre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD