Samantha’s POV Mabigat ang mga talukap ng mata ko nang unti-unti akong magising. Amoy antiseptic. Tahimik, maliban sa mahinang beep na parang tumatama diretso sa utak ko. Agad akong kinabahan. Bumalik lahat ng eksena kagabi nakabibinging putukan, dugo, sigaw, mga suntok, sampal at sipa ang sakit na parang pinupunit ang loob ko. Napakapit ako sa tiyan ko, takot na takot sa posibleng mawala. “You’re awake,” he said, voice low. Halos mapaiyak ako nang marinig ang boses na iyon. Paglingon ko, nandoon siya sa tabi ko. His jaw clenched, eyes dark, pero may kirot na lumiwanag doon. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya agad nagsalita. He just stared at me, eyes dark, intense, puno ng kung anu-anong emosyon na hindi ko mabasa. He reached for my hand, pressing it firmly against his. Napalun

