Ryder’s POV 3:00 PM Del-Fuero Corporation, Executive Office Nasa opisina ako ni Dad, tinatalakay ang bagong business proposal para sa international expansion, nang biglang bumukas ang pinto nang walang katok. Pumasok si Mr. Monteverde, galit na galit, halos dumadagundong ang yabag papalapit sa amin. “Del-Fuero!” madiin niyang tawag, sabay tingin sa akin ng may apoy sa mga mata. “We need to talk about your son and my daughter.” Tumayo ako agad mula sa upuan ko. “Mr. Monteverde, kung tungkol kay Selene—” Ngunit pinutol niya ako, nilapitan niya ako na parang handa akong sakalin sa galit. “Stay. Away. From. My. Daughter. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin kapag hindi mo ginawa ang sinasabi ko.” Sa sobrang tensyon, halos sumiklab ang dugo ko pero bago ako makagalaw, si Dad na mismo

