Ryder’s POV Tatlong araw na kaming nasa magarang beach sa house sa batanngas na inupahan namin para sa dalawang linggong bakasyon namin ni Samantha. Pag-aari iyon ng isa sa mga kaibigan ko, kaya naging madali ang proseso ng pag-upa, at ramdam agad namin ang privacy at katahimikan na kailangan namin pagkatapos ng misyon. Malawak ang terrace, may tanawin ng dagat na tila walang katapusan, at may maliit na infinity pool na perfecto para mag-relax. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kaming nakakalimot sa stress, sa takot, at sa tensyon ng trabaho. Umaga at hapon, naglalakad kami sa baybayin, nagbabasa, o simpleng nakaupo sa terrace, pinapakinggan ang alon at ang hangin na dumadaan sa buhok namin. Hindi kailangan ng maraming salita para maintindihan namin ang isa’t isa. Wala man ka

