Samantha POV The next day, mahirap pa rin huminga sa bigat ng gabing iyon. Para akong lumakad sa linya ng apoy at nakaligtas lang dahil hindi pa oras ko. Pero alam kong hindi iyon matatapos doon. Ramon Villarreal wasn’t convinced he was only intrigued. At kapag intrigued siya, ibig sabihin hindi pa tapos ang laro. Nasa condo kami ni Ryder, both pretending na normal lang ang lahat. Siya, nakaupo sa couch, nagbabasa ng report. Ako naman, kunwari abala sa laptop ko. Pero ang totoo, hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin sa kanya. He looked so calm. Too calm. Parang hindi man lang naapektuhan kagabi. “Stop staring,” sabi niya bigla, hindi man lang nag-angat ng tingin. I snapped. “I’m not staring. I’m… analyzing.” “Analyzing what? My jawline?” Finally, tinaas niya ang tingin at ngumiti

