Chapter 30

1753 Words

Larissa’s POV Mabilis lumipas ang mga buwan. Parang buhangin sa dalampasigan—dumaan lang sa pagitan ng mga daliri ko, at hindi ko namalayang wala na pala akong hinahawakan. Pagkalabas ng ospital, isang linggo akong nagkulong sa nursery room. Tulala, nakatitig lang sa kisame. Umiiyak sa bawat paggising at pag-idlip sa parehong sulok ng kama—sa puwesto kung saan ko sana niyayakap ang magiging anak namin. Ang sakit sa dibdib, hindi ko na kayang ilarawan. Kaya sa gitna ng katahimikan, napatanong ako sa Diyos: "Bakit?" "Bakit mo agad kinuha ang anak ko?" "Bakit hindi mo siya hinayaang masilayan ang mundo?" "Bakit kami pa?" Napakaraming bakit. Wala ni isa mang kasagutan. Isang linggo ng pag-iyak. Isang linggo ng pagkalugmok. Pagkatapos no’n, pinilit kong bumangon at bumalik sa trabaho—

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD