Francis’ POV Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya matapos ko marinig ang mga salitang iyon mula sa asawa kagabi. "Papayag na akong gumawa ulit tayo ng baby number 2." Damn. Para akong tinamaan ng kidlat ng sobrang tuwa. Maghapon akong nakangiti na parang baliw habang nasa opisina. Kahit may meeting, kahit may tawag sa kliyente, paulit-ulit lang umiikot sa isip ko yung imahe niya nakayakap sa akin, may ngiti sa labi, at mahinhin pero mapanuksong binibigkas ang mga salitang iyon. Umuwi akong mas maaga kaysa dati. Pagbukas ko ng pinto ng nursery, bumungad sa akin ang pinakamagandang tanawin sa mundo si Ryder na nakahiga sa playmat, nakatawa habang inaawitan ni Larissa gamit ang paborito niyang lullaby. God, ang ganda nilang tingnan. Para silang larawan ng lahat ng dahilan kung b

