Samantha’s POV The next morning, halos wala akong tulog. Pabalik-balik lang ako sa kama, iniisip ang buong kalokohan na pinasok ko kagabi. Engaged couple. With Ryder Del-Fuero. Kung hindi lang ito official assignment, baka tinawanan ko na lang at tinanggihan outright. Pero hindi ito ay utos ng chief mismo. At alam ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng umatras. Pagdating ko sa HQ, sinalubong agad ako ng mga dokumento at briefing materials. Fake identities, financial backgrounds, photos naming dalawa na pinagsama para gawing “history” ng relasyon namin. “Seriously?” napabulong ako habang tinitingnan ang mga staged pictures namin. Magkasama sa beach, holding hands sa isang gala, at oh, great isang edited photo na parang niyayakap niya ako mula sa likod. “Cute, isn’t it?” Napalingon ako, a

