MORGAN'S POV Hawak ko sa isang kamay ang isang boquet ng paboritong bulaklak ni Mommy, habang sa kabila naman ay ang isang paper bag na pinaglagyan ko ng regalo ko para sa kaniya. Sa aking likuran naman ay nakasunod ang dalawa kong bodyguard. Malapit na ako sa sasakyan nang marinig ko ang impit na iyak ng isang babae sa hindi kalayuan. Nagtuloy-tuloy ako ng lakad at hindi na sana ito papansinin pa nang marinig ko ang tila iritadong boses ng isang lalake. Awtomatikong hinanap ng aking mga mata kung saan nagmumula ang ingay na aking naririnig. Nakita ko ang isang babae na umiiyak at pilit nanlalaban sa lalake na may hawak sa kaniyang magkabilang braso. Hindi ko ugaling mangialam sa problema ng mga tao. Pero kung involve dito ang pananakit sa mga bata, babae o matanda na walang kalab

