CANDY Katatapos ko lang mag-print ng mga souvenir shirts nang marinig ko ang pagtawag ni Iting sa akin mula sa labas ng bahay. "Ate Kiah!" "Iting, ang aga mo yata ngayon? Nakapaubos ka na?" Nakangiti ang bata. Lumitaw ang ngipin niyang kulang-kulang. Ang ilan ay napudpud na dahil sa kakakain niya ng matamis. "Opo, Ate. Kukuha ako ng madami. Inubos nang mga kano iyong kinuha ko kanina," paliwanag niya. Nilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang mga napagbentahan niya. Binilang niya saka inabot sa akin. "Para wala na akong utang mamaya. Pagkatapos kong magbenta, e-extra ako sa mga bangkero." "Oh, siya. Pumasok ka na muna dito..." Sinara ko ang pintuan nang makapasok siya. Kumuha ako ng stripe na plastik upang paglagyan ng mga kukunin niyang paninda. Bracelets, kuwintas, tote bags a

