TANYA NAPATIGIL ako sa paglalakad pagkakita kay Nathalia na lumabas ng room ni Dave. Nagmamadali itong maglakad na halos patakbo na. Para siyang umiiyak kaya hindi na ako napansin. Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Bakit siya umiiyak? Overthinking hit me once more. Kagabi pa ako hindi mapalagay sa kakaisip kay Dave. Ilang beses ko siyang tinawagan pero ni isang tawag ko o message ay hindi niya sinagot man lang. Nagdadalawang isip ako kung papasok pa ako sa loob ng room niya o hindi na. Tinitigan ko nang matagal ang room niya saka dahan-dahan na naglakad papunta doon. Pinili kong tumuloy na pumasok dahil sayang ang pagpunta ko dito. I took a deep breath bago ko hinawakan ang door knob. Hindi na ako kumatok at pumasok na lang basta. Ang kaba ko ay sobra-sobra pero kailangan ko siyang hara

