TANYA THIS IS A long day. Ang dami kong ginagawa dahil under supervision pa rin ako as a new hired employee. Kaliwa't kanan ang mga kailangan kong tapusin. Kasama ko sa loob ng office si Monica, isa rin na Marketing Specialist. Parehas kaming bago pero three months ahead na siya sa akin. She's pretty and nice too. Matanda siya sa akin ng two years. "Lunch?" biglang tanong ni Monica. Nag-aayos din siya ng ilang gamit niya sa kaniyang desk. I glanced at my wrist watch and it was already 12 o'clock. Nakalimutan ko nga pala, magkikita kami ni Axel. Niyaya niya akong maglunch. Hindi naman puwede ngayon si Dave dahil busy siya sa work. May meeting din siya sa BGC ng 1 o'clock kaya malabo na magkasabay kaming kumain. Tumunog ang notification ng messages ko. It's Axel. Nasa ibaba na raw si

