NAGULAT SI Tanya nang makaraceive siya ng message mula sa secretary ni Dave na si Golden. Hindi naman sila sobrang close pero nagtataka siya kung bakit siya nito minessage. Kinutuban na siya agad ng hindi maganda. Her heart beat faster when she opened it. Si Dave at Nathalia ay naghahalikan! Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair. Nanginginig ang kamay niya at halos kapusin na ang kaniyang hininga sa sobrang inis. “Walang hiyang gurang na 'to. Pagkatapos ubusin lakas ko kagabi, at may paselos-selos pa kay Axel, pero heto at kahalikan pa rin si Nathalia. Ang sarap kagatin ng bayag.” Wala sa sarili naibulalas niya. Gigil na gigil. Hindi na niya naisip na naroon si Monica na kasama niya sa loob ng opisina. Napatigil si Monica sa kaniyang ginagawa at nag-angat ng tingin ka

