TANYA PAGPASOK KO sa opisina ay halos pinagtitinginan ako ng ibang mga empleyado. Ang iba sa kanila ay bigla na lamang magbubulungan. Napapakunot na lang ang noo ko sa kanila. Weird. “Good morning,” masiglang bati ko kay Monica. She raised her eyebrows. Mas lalong napakunot ang noo ko sa reaksyon niya habang nilalagay ko ang bag sa gilid ng desk ko. Kumuha muna ako ng tubig bago muling umupo sa swivel chair. “Ano'ng minamaldita mo, Monica?” pabiro kong tanong sa kaniya. Hindi kasi bagay dahil kilala ko siyang mabait pero bulgar din minsan ang bunganga kung magsalita. Tumayo ito at lumapit sa desk ko. “Kalat na dito sa opisina ang tungkol sa inyo ni Sir Dave. Grabe ka, ang haba ng buhok mo. Baka pati bulbol mo mahaba na rin. Dalawang gwapong lalaki pa talaga ang pinagsabay mo. Kaya pal

