TANYA INABOT sa akin ni Axel ang phone ko na hiniram niya dahil low battery na siya. Galing ako sa labas at kinausap si kuya Deuce tungkol kay ate. Ramdam ko na parang balisa siya at hindi makatingin sa akin nang maayos pero hindi ko na lang pinansin. Baka iyong kinausap niya sa phone ay nagkaroon sila ng hindi maayos na usapan kanina kaya siguro ganoon ang hitsura niya. “Thanks, Tanya. Anyway, hindi na rin ako magtatagal. Babalik na lang ako ulit dito para dumalaw sa ate mo.” Paalam nito sa akin pagkabigay niya sa akin ng phone ko. I gave him a nod. “Sige. Salamat nga pala sa paghatid sa akin dito.” Lumapad ang pagkakangiti niya. “Anytime. Mabuti na lang at malapit sa condo niyo ang pinuntahan ko kanina. Parang destiny na nagkita tayo kanina.” Tipid lang ako napangiti sa sinabi niy

