Kabanata 142 NAPADAING AKO NG MAY HUMAHALIK sa balikat ko. Napangiti ako ng pagmulat ko ng mga mata ay makita ko ang gwapong mukha ng asawa ko. Nakatulog ako kagabi dahil sa pagod na aking nararamdaman. Nauna kasi akong umakyat kagabi kasi si Kawhi ay nakikipag-inuman pa sa mga kaibigan niya kaya hinatid niya ako sa taas at bumalik sa baba. Hindi ko akalain na makakatulog ako kagabi ng maaga. Nagce-cellphone ako kagabi ng makaramdam ng antok dahil alas diyes na ng gabi. Hindi ko naman siya matawag dahil nakakahiya naman sa mga bisita kaya natulog na lang ako kagabi. Marami pa namang araw para mag-seks kami. Atsaka hindi pa naman ako pwede kaya siguro hindi na niya ako ginising kagabi. Sakto pa naman na wala ang anak ko dahil nasa kwarto siya ng mga lolo siya matutulog pero walang nagan

