Kabanata 108 KAAGAD NAMAN LUMAPIT SAKIN SI ate ng makita ako sabay yakap sakin ng mahigpit. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko sa labis na gulat at hindi parin ako makapaniwala na nandito siya sa pilipinas. Akala ko ay bukas pa siya uuwe, bakit nandito na siya? Masayang masaya naman si ate habang nakayakap sakin at mababakas sa kanyang mukha ang kasiyahan. Ngumiti naman ako ng kimi ng kumawala siya sa pagyakap niya sakin. Hindi parin ako makapaniwala na nandito na siya. Kaya pala kinakabahan ako kanina kasi dumating na ang ate ko. Hindi kona alam ang gagawin ko. Katapusan na ba namin ni Kawhi o ako parin ang pipiliin niya? " Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Parang hindi ka masaya?" Sabi ni ate habang nakatingin sakin na may pagtatampo sa mukha nito. Nakatitig parin kasi ako sa

