Kabanata 75 KUMAKAIN KAMI NGAYUN NG HAPUNAN at sabay sabay kaming lahat. Tahimik ang lahat habang kumakain ng basagin ni Kawhi ang katahimikan dahilan para magulat ako. " Malapit na pala ang birthday ni Uno. Pwede po ba ako ang gumastos?" Paalam nito sa mga magulang ko. " Bakit hindi si Rosana ang tanungin mo kung papayag siya." Sabi ni papang na tumingin pa sakin. Hindi naman ako nakaimik at napalingon pa ako sa binasa. Pinagsasabi nito? " Ahm.. wag na. Nakakahiya naman." Kapagkuwan ay sagot ko sabay iwas ng tingin sa binata. " Pumayag kana ate. Minsan lang naman eh." Si Rica. Intremitida talaga ang babaeng 'to. " Bakit hindi si Uno ang tanungin niyo. Malay niyo gusto niya." Sabat naman ni Ron-ron. Isa pa 'to. Nakakahiya naman kay Kawhi kung siya ang gagastos. Hindi naman siya ang

