-- LUMIPAS ANG ISANG BUWAN AY maayus na ang pakiramdam ko pero nasusuka parin ako kapag may naaamoy akong hindi ko gusto. Pero nakakakilos na ako ng maayus at hindi na nahihilo. Okey naman ang baby ko sabi ng doktor. Hindi parin kami nagkakaayus ng ate ko dahil 'di niya ako kinakausap sa tuwing tumatawag siya samin. At hindi na rin tumatawag sakin si Kawhi simula ng hindi ko siya kinakausap. Wala naman akong pinagsisisihan dahil kung mahal niya ako ay gagawa siya ng paraan para makita ako at hindi sa cell phone kaya hindi ako nagsisisi. But till now namimiss ko parin siya at hanggang ngayun ay mahal ko parin siya. Hindi ko ito naramdaman no'ng iniwan ako ni Carl. Mabilis ako naka-move on sa EX ko. Pero kay Kawhi ay hindi ko parin siya makalimutan. Siguro minahal ko talaga siya ng subra

