Kabanata 90 LUMABAS AKO NG KWARTO NG mapa-tulog kona si Uno para maglinis naman ako ng katawan. Nang mapansin kung bukas ang ilaw sa baba at bukas ang pintuan. Kaagad akong bumaba sa baba para i-check kung sino ang nasa labas ng ganitong oras. Sabagay ay maaga pa naman kaya may gising pa sa pamilya ko. Pagdating sa baba ay sinilip ko kung sino ang nasa labas ng bahay. Nakita ko ang dalawa, si Kawhi at Ron-ron habang nag-uusap ang dalawa. " Anong merun?" Tanong ko sa dalawa dahilan para magulat sila dahil sa pagsulpot ko. " Baby!" Sambit ni Kawhi. Ngumiti lang ako sa kanya. " Anong merun? Mukhang masinsinan ah? May problema ba?" Anang ko pa sa kanilang dalawa. Tumayo naman ang binata at lumapit sakin sabay yakap kahit andiyan si Ron-ron. " Wala, baby." " Kuya!" Umalma si Ron-ron.

