Kabanata 115 KINABUKASAN AY PUMUNTA KAMI sa hospital ni Kawhi kung saan dinala si papang. Te-next ako kanina ni Ron-ron kung saan dinala si papang. Kasama rin kasi siya kagabi sa pagdala kay papang sa hospital. Mabuti na lang ay hindi lasing si kuya Robert at naka-hiram siya ng sasakyan sa kaibigan nito kaya nadala agad si papang sa hospital.. Wala akong ginawa kagabi kundi ang umiyak dahil sa nangyare kay papang. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyare iyon sa kanya. Dahil sa kalandian ko ay inatake sa puso ang papang ko. Kung alam ko lang na mangyayare 'to ay nilayuan kona si Kawhi. Kinakausap niya ako kagabi ngunit hindi ko siya kinakausap o kinikibo. Ayaw ko muna siya makausap sa nangyare. Pero ng pupunta ako sa hospital ngayun ay nakiusap siyang sa sama daw siya sakin dahil

