Vian Flora Ignacio's P.O.V. "Ano nga talaga?" naiinis ko ng tanong kay Xena. Para naman kasi siyang sira. Ano anong pinagsasabi. Eh hindi ko naman nga ma-gets. Ngumiti siya ng parang bata sa akin. "Umupo ka na kasi roon," tumuro siya sa may table. "Wait kita rito." Hindi na ako tumutol at pumunta na roon kahit na naguguluhan pa rin ako at walang idea sa nangyayari. Sinalubong ako ngiti ng babaeng nay suot na white. Hindi po white lady ah. "So let's start now," she said. Marami siyang tinanong sa akin katulad nalang ng kung kailan ako huling nagka-period. Kung ano ang nararamdaman kong pagbabago sa katawan at ugali ko. May pinagawa pa siya. Unti unti ko ng nakukuha kung bakit ako nandito. Kung bakit ako ang nagpapa check up. "Congratulations, Miss Ignacio. You're two weeks pregnant,"

