Vian Flora Ignacio's P.O.V. Hindi pa rin siya makagalaw na kanyang kinatatayuan. Nakaigting ang kanyang panga at ang nakaawang ang kanyang bibig. Ang mga mata niya ay direktang nakatutok sa akin. Kitang kita ko ang bumalatay na sakit doon. Ako rin mismo ay parang natulos sa aking kinapupwestuhan. Nabigla rin ako sa mga salitang lumabas sa aking bibig. Ngayong na realize ko ang mga iyon at nakikita ko ang kanyang reaksyon, na hindi maipinta ang kanyang mukha, ay nanlambot ako. Agad kong pinagsisihan iyon. "What?" sa wakas ay nakapagsalita na siya. Pumiyok ang kanyang boses tanda na naiiyak na siya. Napayuko ako at napapikit ng mariin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Nanginginig ang kanyang mga kamay. "Look at me please," mahina ngunit puno ng pagsusumamo

