Vian Flora Ignacio- Xavier's P.O.V. Ka-call ko ngayon si Brent sa aking cell phone. Ang katabi ko namang lalaki ay todo busangot at masamang nakatingin sa akin. Naku kung alam ko lang ay nagseselos na naman siya. "Sige, sige. Thanks, Brent," saad ko. Nag-sent kasi ako kahapon ng email sa kanya tungkol sa hindi ko na magiging pagpunta sa site na ipinaalam ko naman na sa kanya dati. He called me to confirm it. At nang sinabi ko na ang kondisyon ko aya agad din naman siyang pumayag. May makakatulong pa rin naman daw siya. The architect, na sa tingin kk ay may namumuho sa pagitan nila. Isa pa ay i-uupdate rin naman nila ako. Isesend through email or messenger para makita ko pa rin ang progress. Nang binaba ko na ang tawag ay nagsimula ng magratatat ang kanina pang may pumuputok na butsi.

