“Alam ko na ang pakiramdam kung gaano kasakit mawalan ng isang taong gusto mo at mahalaga para sa iyon kaya Dasura, naiintindihan kita.” Napatitig ako sa kawalan. Maybe Jayana knew how I really felt at the moment. Iyong tipong kahit ayaw mo pero pakiramdam mo ay may mawawala sa iyo. “There are still better days. Hindi pa ako nawawalan ng pag-asa.” Nakatulog ako na puno ng pag-aalala. Patagal nang patagal ay lalo akong nababagabag. Kinabukasan ay panibagong araw. Hindi ko lang masigurado kung magiging maganda ba ang takbo niyon. Sa palagay ko naman ay, oo. “Denmark?” Pagkatapos kong makarinig ng tatlong katok sa aking pinto ay agad ko na iyong binuksan. Base sa nakita ko at nakangiting mukha ni Denmark ay magiging maayos naman siguro ang araw ko ngayon. “Good morning, Dasura!” masaya

