Chapter 20

1369 Words
A year of being Kyo’s girlfriend wasn’t that different when we were still friends. Most of the time ay magkasama kaming dalawa at madalas pa ring magbangayan. Pero syempre, mas allowed na ang lingkisan ngayon. “Kyo! Namamawis na ang kamay ko—” “Stop whining. I won’t let go of your hand.” May mga ganiyang pangyayari na halos si Kyo ang clingy pero madalas ay ako. “Kyo?” pagtawag ko sa abalang si Kyo na nagbabasa ng comic book. “Yes?” “Kyo?” muli kong pagtawag nang hindi niya ako lingunin. “What?” “Kyo!” “Why the hell are you shouting, Dasu—” I would shut him up with a kiss on his cheek everytime that he would nag at me. That’s 100% effective! Pero masama siya kapag nagselos! “Akala ko ba ay may naging girlfriend na si Kyo?” gulat na tanong ni Jayana sa akin isang araw habang walang klase. “Before me? Wala. It was all lie. Ewan ko. Ang sabi niya, gusto niya lang akong asarin. Matagal na niyang alam na gusto ko siya kaya pinili niya muna akong asarin bago siya umamin sa akin.” “Kyo, sino ba kasi iyong girlfriend mo dati? ‘Di ba sabi mo nagka-girlfriend ka? Iyon iyong babaeng ayaw mong ipakilala sa akin. Sino ba kasi iyon?” pangungulit ko sa kaniya isang araw nang sa labas kami kumain. “Kailangan mo pa bang alamin iyon? Ikaw na ang girlfriend ko.” “Gusto ko lang malaman. Masama ba?” Nilingon ako ni Kyo. Hindi ko masabi kung ano’ng nararamdaman niya gayong napaka-plain ng kaniyang hitsura. Para siyang papel na walang sulat na tinubuan ng tao. “You’re my first girlfriend, Dasura.” Halos masamid ako ng iniinom kong Frappe dahil sa aking narinig. Kumunot ang noo ko bago ko siya muling inusisa. “Paanong ako?” “I lied when I told you I got a girlfriend before,” aniya. “It’s not true.” “Ano?” Sumimangot ako. Nang maalala ko pa kung gaano karaming luha ang inilabas ng mga mata ko ay agad ko siyang hinampas nang sunod-sunod. “Bakit ka nagsinungaling? Bakit mo ginawa iyon?” bulyaw ko pero tinawanan niya lang ako. “Ang sama ng ugali mo.” “Bakit? Nasaktan ka ba?” nakangisi pa niyang tanong. “Siraulo ka ba? Syempre... oo.” Agad niyang pinitik ang noo ko. “Tiningnan ko lang kung ano’ng magiging reaksiyon mo. Hindi kasi ako sigurado kung gusto mo ako. Takot pa akong umamin noong mga panahong iyon tungkol sa nararamdaman ko para sa iyo.” Ang corny pero ang sarap pakinggan. “Pinagsisisihan ko iyon kasi nahalikan ka pa ng iba.” Bigla siyang sumimangot sabay nag-iwas ng tingin. Ako naman ang natawa. “Kyo?” “Oh?” “I love you.” “Alam ko.” “Siraulo pala talaga iyang boyfriend mo!” Tinawanan ko na lamang ang naging reaksiyon ni Jayana sa kuwento kong iyon. “Pero sorry talaga,” aniya sabay nguso. Kumunot ang noo ko. “Bakit?” “Kasi ako ang nagreto sa iyo kay Ivan. Akala ko kasi, okay siya.” Ngumiti ako bilang tugon sabay sabing, “Ayos lang. At least nalaman kong gusto ako ni Kyo.” Natawa naman siya. “Speaking of boyfriend, ano kaya’ng puwedeng iregalo sa limang lalaki?” sabi ko nang may maalala ako. Kumunot bigla ang noo ni Jayana. Nag-isang linya rin ang kaniyang mga mata at halatang nagtataka sa aking tanong. “Limang lalaki? Lima? Ipinagpalit mo na si Kyo?” tanong niya habang nagsisiguro kung tama ba ang kaniyang narinig mula sa akin. “Gaga, hindi! Pero puwedeng oo.” “Gaga ka din!” “Kidding. Isa silang boy group. P-Pop boy group. They’re trending, ‘di mo alam? Nakilala ko sila right after na maging kami ni Kyo.” Umiling siya. “Ano ba’ng hitsura nila?” tanong pa niya. Kusang kumurba ang aking mga labi dahil doon. “Syempre mga guwapo saka... every girl’s dream. Alam mo na,” sagot ko habang hinahawi ang aking buhok. “May panlaban talaga ang mga hitsura nila.” “Alam ko na kung ano ang ireregalo mo,” aniya sabay kuha ng piraso ng papel at ballpen. Nakangisi pa siya habang kinukuha ang mga iyon. Nagsalubong ang aking kilay saka siya pinanood nang bigla siyang nagsulat. “Ano?” usisa ko. “Ano’ng naiisip mo?” “Ito,” sagot niya sabay pasa niyong papel na sinulatan niya, “number ko. Puwede namang ako na mismo ang iregalo mo.” Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Nawala agad ang ngiti niya nang bigla ko siyang pingutin sa kaniyang tainga. “Gaga!” bulyaw ko sa kaniya. Pagsimangot habang pinupunit ang papel ang tangi kong nagawa habang pinagtatawanan niya ako. Nang mag-break time ay naiwanan ako sa aking upuan sa loob ng classroom habang nakatambay sa i********:. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinanonood ang mga lalaking pangarap kong makita at makausap. Sila ang Epilogue. Perhaps every fans already dreamed of becoming an idol’s girlfriend or wife. Kahit nga siguro ang pagiging taga-punas ng pawis, taga-paypay, o taga-laba ng kanilang brief ay kanila na ring hinangad. Parang ako. Hindi pa man nagde-debut as a boy group noon ang Epilogue ay fan na nila ako dahil bakit hindi? Bukod sa talentado sila ay talaga namang mangingislap ng hugis puso ang mga mata ng mga babaeng katulad ko dahil ang limang miyembro niyon ay lahat guwapo. “Ano na naman iyan?” Bahagya akong napapitlag nang marinig ko ang iritadong boses ni Kyo. Hindi ko pa man siya nililingon ay alam kong nakakunot na nang husto ang kaniyang noo. “Cellphone saka picture...” sambit ko. Napalunok pa ako at napangiwi nang makita ko siya. Kitang-kita ko ang iritadong hitsura niya habang nakapamulsa sa aking likuran. “Niloloko mo ba ako?” walang ekspresyon niyang tanong kaya naman ay hinawakan ko siya sa kaniyang kamay. “Halika nga rito,” sabi ko saka siya hinila at pinaupo sa aking tabi na hindi naman niya pinalagan. “Huwag ka ngang masungit. Tapos na ba ang klase mo at narito ka na?” Habang inaaliw siya sa aking tanong ay pasimple kong itinago ang aking telepono na kanina ay aking tinititigan dahil may bagong labas na litrato ang grupo ng Epilogue na hindi ko puwedeng palampasin. Fan girling, e? “Wala nang klase. Free ako maghapon,” aniya saka ako tiningnan. “Ay, sana all. E, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko kaya naman ay nakatanggap ako ng tampal sa noo mula sa kaniya. “Ayaw mo bang narito ako?” singhal niya sa akin. Sumimangot ako at kalauna’y natawa rin dahil sa pagiging bugnutin ni Kyo. Agad kong pinisil ang kaniyang magkabilang pisngi. “Gusto,” sagot ko at ngumiti nang pagkalapad-lapad. “Kaso—” “Kaso? Kaso naabala ka sa pagpapantasya mo sa mga lalaking tinitiningnan mo kanina sa cellphone mo?” “Selos.” Tinabig niya ang aking kamay saka ako tiningnan nang masama. “Sino’ng may sabing nagseselos ako?” “Bakit ka nagsusungit? “You’re really asking me why?” Ang mga sumunod na eksena ay halos magpa-nerbiyos nang husto sa aking pagkatao nang agad na inilapit ni Kyo ang kaniyang mukha sa akin. Sa gulat ko ay agad akong napapikit at muntik pang mahulog sa aking kinauupuan dahil sa pag-urong palayo kay Kyo. Mabuti na nga lang at nahawakan niya ang aking baywang. “Hoy, huwag kayo rito! My eyes! Humanap kayo ng kuwarto!” Halos iyan ang hiyawan sa loob ng classroom dahil sa ginawa ni Kyo. Hindi naman ako makagalaw dahil baka sa maling galaw ko ay may mangyari pa. Agad ko na lamang tinakpan ang aking mga labi gamit ang aking kamay dahilan para ngumisi ang maldito. “I love you,” aniya kasabay ang isang halik sa aking noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD