[Stella's POV]
Nakagising ako dahil sa pag tunog ng phone ko. Pangalan ni Paul ang bumungad sakin.
[Hello]
[Uhm Hi Ste are you busy? Is it ok that I'll ask you to hang out today?]
[Uhm-]
Nakita ko ng message ni Matt sakin na gabi pa siya uuwi.
[Yeah sure]
[Ok I'll pick you up right away]
Nag bihis lang ako ng short at fitted white shirt at bumaba na ako at nag hintay sa living room.
Pagkalipas ng ilang minuto narinig ko naa ng busina ng kotse ni Paul at lumabas.
"San tayo pupunta?"Tanong ko.
"Hm, san mo gusto watch a movie, arcade or sa Fun Fair?"
"I'll go with the Fun Fair."
"Alright fun fair here we come."
Pagdating namin sa labas ng fun fair pinark ni Paul ang kotse saka kami lumabas ng kotse at pumasok sa fun fair.
"You look cute on your outfit."
"Bola pa nga."
"No, I'm serious you look cute wearing a simple outfit. Actually you look good in wearing any outfit."
"Fine if you say so. Tara na nga dun muna tayo sa baril barilan I want that cute unicron."
"Yeah let's go, I'll win that unicorn for you."
"Really? Kaya ko naman yun gawin for myself eh."
"I insist."
"Fine."
Naubos na niya ang limang bala niya kaya dumagdag pa ng lima pa, pero di pa rin siya naka tira dun sa maliit na baboy.
"Uhm let me try." Humingi ako ng limang bala kay manong.
Sa unang tira di ko napatumba, Hanggang sa isang bala na lang ang natira. Nag focus ako and then yun napatumba ko na sa wakas. I picked the cute unicorn as my prize. Paul was amazed and insisted to have a try again para lang mapanalo lang niya ako ng isa pang Unicorn.
Naka ilang ulit pa siya hanggang sa nag succeed siya. I thanked him then sumakay na kami sa mga rides. Naabutan kami ng gabi at last ride na yung ferris wheel. Good timing dahil may fireworks ngayon at napanood namin. Bago kami umuwi nag drive through muna kami.
Pagdating namin sa labas ng bahay nagpaalam na kami sa isa't isa. Hinintay ko munang umandar ang kotse niya bago ako pumasok sa bahay.
Pagpasok ko sa bahay sinalubong ako agad ni Kyle na nagkasalubong ang mga kilay. Nilapag ko ang mga dala ko sa mesa ng living room.
"Where have you been?" Pilit niyang pina kalma ang boses niya.
"Namasyal kasama si Leia, Kase sabi mo sa text mo gabi ka pa uuwi."
"Why are you not answering my calls?"
Tiningan ko ang phone ko at nakita ang 163 missed calls galing sa kaniya.
"Uhm naka silent yung phone ko."
"And since when did you start lying to me?"
"Totoo naman ah, tingan mo phone ko naka silent naman talag."
"That's not what I mean." Kinuha niya phone niya at pinakita sakin ang post ni Paul na picture namin kanina sa ferris wheel.
"Sabi mo si Leia kasama mo? Eh ano to? Bat magkasama kayo ni Paul?"
"Eh ano naman ngayon kung si Paul ang kasama ko?"
"I was worried sick looking for you the whole yet you were just going out with that Paul?" Medyo tumaas na ang boses niya.
"Teka bat ka ba nagagalit? First of all sabi mo sa text na gabi ka pa uuwi, second kailangan ba talaga akong magpaalam sa'yo sa lahat ng gagawin ko?" Medyo naiiyak na ako kaya nag lakad na ako putungo sa kuwarto ko. Pagkapasok ko nilock ko kaagad ang pinto at himiga sa kama.
Di ako makapaniwala sa nangyayari samin ngayon ni Kyle. Nakatulog ako at nagising lang sa katok ni Kyle.
"Kain na." Lumabas na ako at nakita siyang nag hintay sakin peri nilagpasan ko lang siya.
Pagdating ko sa kitchen kumain na ako at pagkatapos dumeretso na sa kuwarto. Nag shower muna ako at nagbihis. Pagkatapos humiga ako sa kama at pinikit ang mata ko. Ilang minuto ang lumipas di pa rin ako nakatulog ng tuluyan at narinig ang pag bukas ng pinto at mga hakbang ni Kyle. Ngayon ko lang na realize na di ko pala na lock ang pinto.
"Ste I'm sorry." Nag tulog tulugan lang ako pero nag salita siya ulit.
"I know you still awake. Look I'm sorry sa nasabi ko kanina I was just worried kase di mo sinasagot ang calls ko. I'll make it up to you. Pero bumangon ka muna diyan may ibibigay ako sa'yo." Bumangon na ako pero di ko pa rin siya tiningnan.
"Ste look at me." Nakayuko pa rin ako at di pinansin ang sinabi niya hanggang sa hawakan niya ang baba ko at pilit hinarap sa kaniya.
Nilapit niya mukha niya sa mukha ko. Mas pinalapit pa niya kaya pumikit ako hanggang sa may naramdaman akong malambot na dumampi sa labi ko. Pero kakaibang lambot yun kaya binuksan ko ang mata ko at nasupresa ng makita ang isang malaking unicorn. It is half of my body. Nung tiningnan ko si Kyle naka ngiti siya. Wait nakangisi siya sobrang laki ng ngisi Niya na para bang nang aasar.
"Bat ang laki ng ngisi mo diyan?"
"Did you really expect that I was going to kiss you?" Napahiya ako dun.
'Bat kase ako pumikit
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
" You closed your eyes nung lumapit ako sa'yo. You expected me to kiss you."
" Luh di ah." Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
" You don't have to be shy, I you want me to kiss you just tell me." Lumapit siya sakin. Pina higa niya ako sa kama at nilagay ang mga kamay Niya sa magkabilang side ko. Nilapit niya mukha niya pero kinuha ko ang unan sa gilid at hinampas sa kaniya.
"Aww."
"Tumigil ka nga sa mga kalokohan mo Kyle." Tinulak ko siya ng mahina at umupo ng maayos.
"Salamat dito ah."
"That's not it Meron pa." Tumayo siya at may kinuha sa sahig.
Inabot Niya sakin ang isang paper bag. Binuksan ko at nakita ang mga libro.
"Do you like it?"Umupo siya sa tabi ko.
"No, I love it Thank You. Pero wait ano bang Meron bat moko binigyan nito?"
"Peace offering ko dahil dun sa nangyari ng birthday ko. I am so sorry na mas pinaniwalaan ko si Shiela keysa sa'yo. Kanina may sinend sakin si Miesha na video. Nakita ko dun ang buong pangyayari between you and Shiela sa kitchen. I was so stupid not to believe you and I am so sorry. I hope you'll forgive me."
"Offcourse I'll forgive you Kyle. You know what let's just forget about what happened on your birthday." Ngumiti ako at yumakap sa kaniya. Gumanti siya ng yakap.
"Thank You so Much Ste." Humiwalay na kami sa pagka takap at ngumiti sa isa't isa.
"Sorry din sa nasabi ko kanina at sa pagpapa alala sa'yo. Thank you ulit sa mga binigay mo sakin." I kissed him on the cheek at yumakap ulit sa kaniya.
"Matulog na tayo pupunta pa tayo bukas sa rest house namin."
"Really?"
"Yup,nagpaalam na ako kanina sa parent's natin at pumayag sila."
"Yey! Dito ka matulog Kyle." Sabi ko sabay ngiti.
"Really? Why? Di yun pwede babae ka saka lalaki ako."
"Tss parang bang ngayon lang magkatabi matulog at di nagayakapan."
"Iba yun Ste. Iba ngayon dahil first of all solo kita sa bahay sa isang roon to be exact and then we're already teenagers ang I might not control my hormones."
"Oh come on Kyle just chill. Wala ka namang balak sakin na masama diba?"
"Yeah but-"
"Oh yun naman pala eh let's go to sleep na, I'm exited for tomorrow." Tinulak ko na siya pahiga sa kama saka pumwesto.
Ginawa kong unan ang braso niya at yumakap sa kaniya. Nag good night na kami sa isa't isa at natulog. Pero ilang minuto bago ako tuluyang maka tulog, I felt him kiss my forehead kaya mas sumiksik ako sa dibdib niya at mas niyakap ng mahigpit. Niyakap niya din ako gamit ang isang kamay niya. Nasa ganung posisyun kami hanggang sa tuluyan na akong maka tulog.