"Anong lagay ng mga hostage sa loob? Yung hostage taker?" Kaagad kong tanong pagdating ko sa lugar kung saan may hostage taking na nangyayari sa loob ng isang bakeshop.
Kung kailan naman wala akong trabaho, ngayon pa naman sumabay ang tarandong halang ang bituka na ito! Pati balak kong uminom kasama ang tatlong ugok ko na kaibigan ay hindi ko nagawa.
Wala na ba akong karapatan na magsaya sa buhay? Puro trabaho na lang ba talaga ang haharapin ko?
Pinapainit ng gagong holdaper ang ulo ko. Kaya siya ngayon ang pagbubuntunan ko ng galit ko dahil sa naudlot na pahinga ko sana.
Mukhang nagulat pa ang iba kong mga kabaro nang makita nila ako sa likuran nila. Kaagad lumapit si Samaniego sa akin upang magmarites ng mga ganap ngayon dito.
"Bossing, nasa loob pa. Pinakawalan ang dalawang hostage niya at may hawak pa na isang hostage sa loob. Ang gago ay ginagalit ako kaya tinawagan ka na ni Cortez. Pasensya na sa abala, pero ikaw ang kailangan namin ngayon.
"Ang demanding ng tarantado! Kung hindi ako nakapagtimpi ay bangkay na siya ngayon!" Binatukan ko pa siya dahil sa sinabi niya.
"Kung ikaw ang gawin kong bangkay? May karapatan pa rin mabuhay ang gago na 'yan! Tandaan mo lahat ng tao ay pantay-pantay! Naiintindihan mo ba ako?"
Tumango-tango naman siya saka muling tumingin sa direksyon ng bakeshop
"Ano ba ang hinihingi ng hayop na 'yon?" tanong ko.
"Sampung milyon at private helicopter para sa paglayo niya!"
Isang malutong na mura ang naibulalas ko dahil sa gulat sa mga hinihingi niya.
"Tarantado! Itinumba niyo na sana ni Cortez kanina pa! Bakit tinawagan mo pa ako?" Gigil kong bulalas habang binubunot ko ang baril sa tagiliran. Mas lalo pa yatang uminit ang ulo ko dahil sa mga gunggong na ito.
"Bossing, chill! Akala ko ba ay may karapatan din silang mabuhay?" Tanong ni Samaniego habang pinigilan niya ang kamay ko.
"Ngayon ay wala na! Ang lintik na 'yan, anong akala niya sa gobyerno natin, mayaman?! Baka hindi niya alam na mas malaki pa ang hinihingi niya kesa sa sahod natin. Cortez, ibigay mo nga sa akin ang megaphone na hawak mo!" Sigaw ko sa isang kabaro.
"Bossing, nagmamatigas ang loko at talagang ayaw sumuko!" Sabay abot niya ng megaphone sa akin. Talagang inuubos ang pasensya ko!
"Pogi, baka pwede nating pag-usapan ang mga gusto mo? Wag mong sasaktan ang hostage mo at lalo mo lang papabigatin ang kaso mo. Mas mabuti pa na sumuko ka na lang at tutulungan kitang pababain ang kaso mo!" Malakas kong sambit at sinenyasan ko ang iba kong kasamahan na palibutan ang buong lugar.
Muli kong binalik kay Cortez ang megaphone at nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mahirap kumilos lalo na at gabi na rin.
Madilim na ang paligid.
Tumatakbo ang oras namin ay mas lalong nagiging delikado ang buhay ng hostage niya.
Mataman kaming naghihintay kung lalabas ba siya upang sumuko na o papasukin na lang namin?
At isang saglit pa ay lumabas na nga hostage taker habang hawak nito sa leeg ang hostage nito.
Alam kong natatakot na rin ang hawak nitong babae dahil may baril na nakatutok sa ulo niya.
"Kapag binaril niyo ako ay babarilin ko rin ang babaeng ito! Ibigay niyo ang gusto ko kung ayaw nyong sabay kaming mamatay dito!" Sigaw niya pa.
Kaya naman napahilot na lang ako sa sentido dahil sa mga pinagsasabi ng gunggong na ito.
"Bossing, anong plano?" halos panabay pang tanong nina Samaniego at Cortez sa akin.
"Kausapin niyo lang siya. Umayon kayo sa gusto niya. Aliwin niyo lang." Tumango-tango naman sila at muling kinausap ang hostage taker.
Nang sa gayon ay mawala sa focus ang gagong ito. Habang dahan-dahan naman akong yumuko nang hindi niya napapansin.
Kailangan kong maisagawa ang plano sa lalong madaling panahon dahil agresibo na ang hostage taker. May posibilidad na gawin niya ang banta niya sa hostage niya kapag hindi pa ako kumilos.
Mabilis kong inilabas ang baril ko at kinasa. Saka ko inasinta ang target mula rito.
Pagbilang ko ng tatlo ay isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong paligid. Biglang nagkagulo ang lahat ng paputakan ko sa binti ang target.
Kaagad nilang nilapitan ang mga ito. At dinaluhan.
Ligtas ang hostage pati na rin ang hostage taker maliban sa tama niya sa binti.
Masyadong delikado ang ginawa ko sapagkat isang mali kong galaw ay maaari ang hostage ang matamaan ko. Pero pinanganak yata akong magaling!
"Bossing, ang galing mo talaga! Ikaw talaga ang idol ko!"
"Bossing, asintado!"
Papuri pa ng dalawang plastic na kabaro ko sa akin. At mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina.
Siguro naman ngayon ay pwede na akong akong umalis at makipagkita sa tatlong ungas?
Kinuha ko ang helmet at sumakay na ako sa motorsiklo ko.
"Hindi lang ako magaling, gwapo pa. Kaya kayong dalawa ay galingan niyo pa lalo kung ayaw niyong ipadala ko kayo sa Sulu! Kayo na ang bahala dyan!" Sumaludo pa sila sa akin at tumango lang naman ako saka ko pinaandar ang motor palayo.
Makakahabol pa naman ako sa bebe time namin ng tatlong ungas. Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita dahil masyadong busy ang bawat isa sa amin. Ngayon ko rin balak sabihin kay Galledo ang development ng ginagawa kong pag- iimbestiga sa kaso ng ex-wife niya.
At kung kailan naman malapit na sana ako sa place kung nasaan ang tatlong ungas ay saka naman ako may natanggap na tawag mula sa mga kasamahan kong pulis.
Inis na inis kong itinabi ang motor ko saglit. Pakiramdam ko ay hindi para sa akin ang day off!
"Sir, may hinahabol kaming babae!"
"Anong pakialam ko? Kahit pa maglampungan kayo!"
"S-sir, may nag-report kasi sa amin na may naganap na drag racing dito. Kaya naman kaagad namin pinuntahan. At kumpirmado nga. Pero yung isang driver ay nakikipag habulan pa sa amin–"
"At hindi niyo naabutan, tama ba ako?" dugtong ko sa iba niya pang sasabihin.
"Y-yes, sir…"
Isa naman anak-mayaman ang magpapainit ng ulo ko!
Madalas kaming makatanggap ng report noon pa man sa mga illegal na drag racing at ang mga involved ay mga anak ng mayaman o kaya naman ay anak ng mga politiko.
Matapos nilang sabihin ang location ay kaagad akong sumibat papunta doon. Habang binabagtas ko ang daan ay napansin ko ang isang magarang sasakyan na nakahinto sa tabi.
At mukhang ito na ang sinasabi nila na spoiled brat na driver.
Nang lapitan ko ito ay tumaas pa ang kilay ko dahil mukha siyang anghel kapag nakapikit. At hindi mo akalain na pasaway ang sakay nito.
Pinilig ko ang ulo ko bago ako nagsalita at mukhang nagulat pa ito nang marinig niya ang boses ko.
"Get out the car, spoiled brat!" mariin kong utos sa kanya.
"Are you kidnapper? Are you going to kuha me and tago somewhere? And hingi ng money from may parents? Are you policeman?
N-no…I can't labas dito. I'm sorry, I will not ulit na talaga. Promise, policeman!"
Laglag ang panga ko nang marinig ko ang paraan ng pananalita niya. Kailan pa nauso ang ganitong uri ng salita? Masyado na ba akong matanda at hindi ko na alam ang takbo ng panahon?
"Kayong mga kabataan ay puro sakit ng ulo ang binibigay niyo sa mga magulang niyo! Akala niyo ay alam niyo na lahat!"
"Policeman, I'm not bata na! I'm 20 years old na kaya. Don't say that or else I will galit to you!" Humalukipkip pa siya sa tabi habang nakanguso.
Mas masakit pa yata sa ulo ito kesa sa operation namin kanina. Huminga ako nang malalim at pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Get out the car! Kung ayaw mong buhatin kita palabas!" banta ko pa sa kanya.
At hindi man lang siya natinag bagkus inirapan pa ako.
Buong buhay ko ay ngayon lang yata nagsalubong ang mga kilay ko ng ganito!
Akala yata ng bata na ito ay madadaan niya ako sa ganito?
"I will labas dito sa car in one condition, policeman!" Dahan-dahan niya pang binuksan ang pinto ng sasakyan.
At talagang sinusubukan niya ang pasensya ko!
"Don't sumbong me sa parents ko! I will timpla you ng coffee. I will dala sa'yo everyday! And also I will gawa some bread for you! Please…I will not ulit na talaga–
noooooooo!" Sigaw niya. At wala na siyang nagawa pa kundi magpumiglas ng buhatin ko siya mula sa loob ng sasakyan. At isampay siya sa balikat ko.
Na siya naman dating ng ibang mga kasamahan ko. At kaagad lumapit sa akin.
"S-sir! Nahuli niyo na pala!"
"Kayo na ang bahala sa sasakyan niya! Sa presinto ko na ito idederetso."
"Help meeeeeeee…ibang policeman! I don't want to punta sa precinct! I'm takot sa dark! Please…put me sa baba, policeman!"
"Sa presinto ka magpaliwanag, bata! Masyadong matigas ang ulo mo! Hindi niyo ba alam na illegal ang ginagawa niyo?!"
"Yes naman i know! Kaya nga you make huli me diba? And kulong kulong! Pero, I'm nagsisisi na talaga! Put me sa baba!"
"Ang ingay mo, bata! Sakay!" mariin kong utos nang maibaba ko siya sa tapat ng motor ko.
"Policeman, please…don't kulong me! I swear talaga na. I will not pahabol na sa ibang policeman–"
"Sakay! Konti na lang mauubos na ang pasensya ko. At alam mo ba na masama ubusin ang pasensya ko?" Tanong ko habang humahakbang ako palapit sa kanya.
"W-what? I…I know how to k-karate! I will lumpo you kapag may bad kang gagawin to me!"
Lihim pa akong natawa nang umatras siya palapit sa motor ko habang nakayakap sa sarili.
Nang wala na siyang maatrasan ay mabilis kong itinukod ang mga kamay ko sa gilid niya. At kinorner siya.
"Oh no! A-are you going halik me?" tanong niya habang nakapikit ang mga mata.
"Kumpleto pa ba ang kidney mo?"
Bigla siyang nagmulat ng mga mata at tiningnan ako ng masama.
"D-don't tanggal my kidney! I will sakay na!"
"Good girl. Madali ka naman pa lang kausap."
"Because you takot me! I hate you, policeman na oldman!"
Napalis ang ngiti ko sa labi dahil sa huling sinabi niya.
Old man? Tinawag niya akong old man?