"Isip bata talaga." Mahinang sambit ko habang napapailing na lang dahil sa sinabi ni spoiled brat. Kung sino man ang ang nagsabi sa kanya na nakakabuntis ang halik ay siguradong matatawa kapag nalaman niya na sumugod pa si spoiled brat dito para lang sabihin na panagutan ko raw siya. At kung nakakabuntis ang halik ay baka ako ang unang biktima! Napaka inosente talaga!
"Bossing bakit umalis ang gf mo nag-away ba kayo? Congrats at daddy ka na!" biro pa ni Samaniego sa akin.
"Chismoso ka talaga ano? Kung anu-anong sinasabi mo dyan! Yung pinapagawa ko sa'yo tapos mo na ba?"
"Bossing anong pananagutan mo may ginawa ka bang hindi maganda ? Diba siya ang magiging boss mo? Ang ganda pala ng anak ni Mayor Rivas! Hindi ba pwede na ako na lang ang magbantay sa kanya? Pwede ko kayang i-request kay chief na ako na lang pumalit sa'yo? Kahit pa hindi ako mag- day off ay ayos na ayos lang sa akin!"
"Cortez, bata pa ang anak ni Mayor Rivas, kaya ayos ka dyan!" paalala pa ni Samaniego.
"Bakit naman? Diba sabi nila, age doesn't matter, but size really matter!"
"Kaso parang tagilid din tayo sa size!" sabay pa naming bulalas ni Samaniego.
"Mga gago kayo!"
"Lumayas na nga kayo sa tabi ko at puro kayo kalokohan!" Inambahan ko pa sila ng suntok. At Mabilis naman silang tumakbo palayo sa akin.
Goodluck talaga sa akin sa pagbabantay sa babaeng iyon. At hindi ko alam kung sinong unang susuko sa aming dalawa kung ako ba o siya? Ngayon pa lang ay mukhang malaki na tama niya sa utak!
Kinagabihan ay muli akong bumalik sa bar kung saan ko huling nakita si Mr. Tarugo Ko at sana lang ay muli ko siyang matempyuhan ngayon dito.
Pagpasok ko ay kaagad akong nagtungo sa bartender upang itanong sa kanya kung dumating ba dito ang sadya ko.
"Naku sir, mukhang nakatunog si Mr. Tarugo Ko at mula nang huli mo na punta dito ay hindi na nagpakita pa." Saad niya pa at tumango tango lang ako.
"Salamat, pre!" ngumiti lang siya sa akin.
Muli kong itinuon ang mga mata ko sa karamihan. At ganun na lang ang gulat ko nang may humawak sa balikat ko.
Isang sexy na babae ang nasa tabi ko ngayon. Pilit ko pang inaalala kung nakita ko na ba siya noon o hindi pa?
"Long time no see, Calvin. I missed you, sweetheart …" malanding sambit niya pa. Muling kumunot ang noo ko at muli ko siyang pinasadahan ng tingin. At kahit anong pilit kong isipin kung kilala ko ba siya ngunit hindi ko talaga maalala.
Inalis ko ang kamay ko sa balikat ko na nagsisimula ng humaplos.
"I'm sorry, pero hindi kita kilala." At muli kong tinungga ang bote na hawak ko.
Muntik pa akong mapamura ng haplosin niya ang hita ko.
"Hindi mo na ba matandaan ang isang gabi na pinagsaluhan natin? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo?" sambit niya na tila inaakit pa ako.
Mabilis akong tumayo at naglapag ng pera sa ibabaw ng counter.
At mas lalo yata akong na-stress sa kaharap ko ngayon. Oo, maganda at sexy siya, pero alam ko na ang mga ganitong kalakaran. Maaaring trap ito ng kaaway dahil sa dami ko na rin binangga na mga bigatin na tao dahil sa trabaho ko.
"Miss pasensya na, pero imposible na kilala kita. Una, hindi ko type ang katulad mo…
Kitang-kita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa diretsahang pahayag ko.
"f**k you!" galit niyang sigaw sa akin nang tumalikod na ako. At maglakad palayo sa kanya.
Kaya naman muli ko siyang binalingan. Saka ako ngumisi.
"When?" tanong ko pa saka ako tuloy-tuloy na lumabas dahil wala akong mapapala dito ngayong gabi. At kaya nagdesisyon na akong umuwi upang magpahinga.
"Nanay Mely, bakit gising pa kayo?" nagulat pa ako nang pagdating ko ay naabutan ko pa siyang gising at nanood ng tv.
Lumapit pa ako sa kanya at saka nagmano.
"Kaawaan ka ng Panginoon, anak. Alam mo naman na hindi ako makatulog hanggat hindi ka pa dumadating na bata ka. Kumain ka na ba?"
"Wag niyo po akong alalahanin. Magaling yata ang anak niyo! At wala naman pong mangyayari na masama sa akin." Niyakap ko pa siya at hinalikan sa ibabaw ng buhok.
"Tapos na po akong kumain, Nanay. Magpahinga na po kayo at gabi na. Si Pako po ba ay narito na rin?" tanong ko pa.
"Oo, tulog na rin. Oh, siya maiwan na kita rito. At kung magutom ka ay may pagkain pa dyan." Tumango-tango lang naman ako.
Nang makaalis si Nanay ay pinatay ko na ang TV at pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko. Nag-shower muna ako at bago matulog. Tinuyo ko lang ang buhok ko at saka ako sumampa sa kama. Wala akong suot na kahit ano kapag natutulog sa gabi. Hindi ko alam kung bakit mas komportable ako sa ganito. At saka nakasanayan ko na rin naman matulog ng walang saplot sa katawan.
Pipikit na sana ako ng biglang sumagi sa isip ko ang mukha ni spoiled brat at hindi ko maiwasan hindi mapangiti habang napapailing. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakilala ng babaeng takot mahalikan dahil mabubuntis daw siya.
Masyadong hi-tech na ang panahon, pero siya ay napaka-inosente pa rin sa maraming bagay. At hindi ko lang maintindihan kung bakit masyadong matigas ang ulo niya at kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat ng bagay. May pinagdadaanan ba siya? Ano kayang problema niya? Buo ang pamilya niya, mayaman siya, maganda naman siya at sexy.
"f**k!"
Kaagad kong sinaway ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko. Ano naman kung may pinagdadaanan siya? Mas marami pa rin na mga tao ang mas malaki ang problema sa buhay kesa sa kanya.
"At bakit ko ba siya iniisip? May kasalanan pa siya sa akin!" Kinuha ko ang unan sa tabi at itinakip ko sa mukha ko. Mangkukulam din ba siya?
Dumating na nga ang unang araw ng pagiging bodyguard ko sa kay spoiled brat. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay kaagad akong nag-doorbell. Isang matanda naman ang kaagad sumalubong sa akin. Kay lawak pa ng ngiti niya ng mabungaran niya ako. Ito rin ang matanda na kasama ni spoiled brat sa presinto noon. Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.
Magandang umaga po, ma'am."
"Anong ma'am ? Naku hijo, Nanay Soledad na lang. Tuloy ka. Naghihintay na si Margaret sa library." Niluwangan niya pa ang gate.
"Kumain ka na ba, hijo? Gusto mo ba ng kape o kahit anong maiinom?" nakangiti niya pang alok sa akin.
"Nay, salamat po. Pero tapos po sa bahay kanina."
Tumango-tango naman siya at sinamahan niya na ako sa taas.
"I know naman na hindi na lingid sa kaalaman mo ang pagiging pasaway ng anak namin," panimula ni Mrs. Rivas. Tumawa pa siya nang mahina. Ngunit hindi man lang umabot sa mga mata nito
"Ilang bodyguards na rin niya ang umayaw dahil sa katigasan ng ulo niya.
Gusto kong kumilos siya ng naaayon sa edad niya.
Don't allow her to makes things na magbibigay sa akin ng sakit ulo.
My husband will run for governor position in the next election. At I know na mas marami siyang magiging katunggali sa pulitika.
Ayaw na ayaw kong makaladkad ang pangalan niya sa mga gulo na papasukin ng anak namin. It is a great disgrace to his name. At maaaring gamitin sa kanya ng mga kalaban niya."
Hindi ko inaasahan na ganito ang dahilan niya. Mas importante pa sa kanila ang reputasyon at pangalan nila.
Hindi ko na lang pinagtuunan ito ng pansin sapagkat trabaho ang pinunta ko rito at hindi para manghimasok sa pamilya nila.
"Yes, Mrs. Rivas. I will do my best na gampanan ang trabaho ko dito." Tumayo siya at nilahad niya pa ang palad sa harap ko. Na kaagad ko rin naman tinanggap. Matapos ang pag-uusap namin ay lumabas na rin ako ng library. Nagulat pa ako nang bumukas ang katapat na pinto ng library at iniluwa si spoiled brat. Nagkatitigan pa kaming dalawa at kaagad siyang lumapit sa akin.
"Waaaaaaaah! How did you pasok here? Where are you akyat, huh?!"
"Hinaan mo nga ang boses mo!" inis ko pang utos sa kanya. Simula nang huli namin pagkikita kung saan niya ako kinompronta, ngayon na lang ulit nagkita. At ganun parin naman siya, maingay pa rin at may sapak sa pagsasalita!
"What are you gawa here? Mr. Old man, you're not welcome to pasok here! Are you a 'Climbing house gang' ? I will sigaw because you pasok pasok here! Get alis dito sa house namin! Are you sunod-sunod to me? What are you going to kuha, huh? I will takbo sa outside to sigaw ng help—"
"Bago ka magsumbong sa kapitbahay niyo, magbihis ka muna!"
Mukhang nakalimutan niya ata na nakasuot lang siya ng kulay pula na bikini. At mukhang may balak mag-swimming.
Ang aga ko naman talagang magkasala nito!
"W-why you tingin to my katawan? I will not palit! Why it's your unang naka-see ng sexy, huh?"
"Okay." Pinasadahan ko pa ng tingin ang kabuuan niya at muli kong ibinalik ang tingin ko sa mukha niya.
"Simula ngayon, tapos na ang kalokohan mo, spoiled brat…" pilit ko pang inaalis sa isip ko ang suot niya ngayon. Hindi talaga natinag man lang ang isang ito. At talagang nakipagtitigan pa sa akin.
"What your ibig sabihin? A-are you…are you—"
"Yes. I will be your bodyguard! At ngayon pa lang, sinasabi ko sa'yo na mahihirapan kang gawin ang kalokohan mo!"
"Oh no! It can't dapat mangyari! I don't like to see you every araw!"
"Wala kang magagawa, little girl! Be good to me and I will be good to you!" Humakbang ako palapit sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Kaya naman napaatras pa siya.
"Tinatanong mo kung ngayon lang ako nakita ng sexy? Hmmmm…nope. May naalala lang ako."
Tiningnan niya pa ako ng masama at alam na niya na may sasabihin pa akong hindi maganda.
"What? Ano 'yon?"
"Looking at you reminded me I had some ironing to do…" at muling bumaba ang tingin ko sa dibdib niya.
"You're bastos! I will pasaway to you! You will suko rin!" At mabilis siyang tumakbo papasok sa loob habang nagpapadyak pa sa sahig.
One point for me! Let's see, spoiled brat kung sino ang susuko sa ating dalawa!