Lumipas na naman ang ilang araw na di kumokontak si Rene pero pinagtuunan ko na lang din muna ng pansin ang aking trabaho. Masakit lang talagang tanggapin na lantaran nya ng pinapakita na yung asawa nya ang pinipili nya. Wala naman ako magagawa dahil asawa nya nga yon. Sa buong isang linggo ay busy ako sa trabaho kahit naka work from home ako. January at gaganapin ang Virtual Assembly sa opisina kaya naman mas lalo akong naging busy sa pag-aayos nito. January 14, Friday na naman at di ko inaasahang dumating si Rene pero tulad ng dati dumating at hinde ay naghahanda ako ng dinner. Babe, akala ko di ka pupunta? Tanong ko. Dumaan lang ako at di rito matutulog dahil minomonitor ako ni Myla. Ok. Kain na tayo, maghain lang ako. Tango lang ang naging sagot nya. Buong dinner ay bihira kami

